Tuesday, October 10, 2023

𝗣𝗔𝗡𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗡: "Pinalaya sa palad ng walang hangganan" ni Gen Paris Masamayor.


Published by: Angel Pelleja

Date Published: October 10, 2023

Time Published: 8:16 AM

Kategorya: Tula
Tema: Kabutihan at Katapatan laban sa kasamaan ng masamang nakaraan.


Hindi ginustong magkamali,
Ngunit patuloy na sa aki'y nandidiri.
Anong kasalanan ang nagawa?
At ako'y iyong pinalaya;

Pinalaya sa palad ng kawalan,
Ikinulong at sinaktan;
Habang ako'y walang kamalay-malay,
Na ako ay iyong inialay—

Sa masama mong gawi;
Na kahit kailan ay hindi mo maikukubli.
Walang humpay sa pagkukunwari,
ang nais ng iyong budhi.

Isa na ako sa nasawi,
Isa na ako sa nawili,
Sa iyong pagiging balimbing;
Na kahit kailan ay hindi ko kayang pagalingin.

Sapagkat, ika'y matagal nang may poot;
At hindi mo kayang makalimot,
At kahit saan ay sumuot,
Ay parati kang nahahablot—

Ng mga masamang panaginip;
Na pilit mong iwinawaglit,
Sa iyong nakaraang ka'y lupit,
O kay sakit.

Pilit iniintindi—
Ngunit, masiyadong mahapdi;
Masiyadong malalim,
Ipinapanalangin nang taimtim—

Kung paano aabutin ang iyong mga kamay,
Nang hindi ka nangangalay;
Sa ating paglalakbay,
Patungong tagumpay ng ating mga buhay—

At sabay nating kalilimutan;
Ang lahat ng ating mga nakaraan,
Kasabay sa pagbabago ng walang hangganang;
Pagmamahalan.

No comments:

Post a Comment