Friday, October 10, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Zaldy Co, nagbitiw sa Kamara gitna ng kontrobersya sa 2025 national budget" ni Bridget Berin


 

Dinisenyo ni: Shawn Andrei Ojeda

Inilathala ni: Iana Henson

Petsang Inilathala: Oktubre 10, 2025

Oras na Inilathala: 9:47 AM

Nagbitiw sa puwesto noong Lunes, ika-29 ng Setyembre si Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy "Zaldy" Co, sa kabila ng mga kontrobersiyang bumabalot sa Kamara ukol sa umano'y alegasyon ng mga iregularidad sa 2025 national budget at flood control projects. 


Sa kaniyang opisyal na pahayag, sinabi ni Co na napilitan siyang magbitiw dahil sa paglala ng kaniyang kalusugan, na aniya ay hindi na kayang sabayan ang mabigat na tungkulin bilang mambabatas at dating pinuno ng House Committee on Appropriations. 


Samantala, iginiit ng ilang kasamahan sa Kamara kabilang si Navotas Rep. Toqaby Tiangco na walang lusot si Co sa mga alegasyon na may kinalaman sa 2025 national budget. 


"Sa kaniyang pagbibitiw at sa halip na humarap sa mga paratang, hindi lamang niya iniinsulto ang ating institusyon kundi pati ang sambayanang Pilipino. Kung patuloy pa rin ang kaniyang pagtatago, maari itong ituring na tahimik na pag-amin sa kaniyang kasalanan," saad ni Tiangco.


Kinumpirma naman ng MalacaΓ±ang na humihiling ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ), sa International Criminal Police Organization (Interpol) na maghain ng "blue notice" laban kay Co. 


MGA SANGGUNIAN:


Tolentino, R. C. & Maralit, K. (2025, September 30). Flood control scandal: Zaldy Co resigns Interpol blue notice is Issued. The Manila Times https://www.manilatimes.net/2025/09/30/news/national/flood-control-scandal-zaldy-co-resigns-as-interpol-blue-notice-is-issued/2191842


ABS-CBN News (2025, September 29). Zaldy Co resigns as House representative amid flood control scandal https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/9/29/zaldy-co-resigns-as-house-representative-amid-flood-control-scandal-1600


Lalu, G. P. (2025, September 29). Zaldy Co resigns as Ako Bicol lawmaker. Inquirer Net https://newsinfo.inquirer.net/2116930/zaldy-co-resigns-as-ako-bicol-lawmaker


No comments:

Post a Comment