Friday, October 3, 2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: "Alab ng Puso" ni John Paul Reyven S. Anadilla



Disenyo ni: Harry Peรฑaflor 

Inilathala ni: Rich Antonette Pescasiosa 

Petsang Inilathala: October 3, 2025

Oras na Inilathala: 3:25 PM


Kategorya: Prosa

Tema: Panawagan sa tapang at pagkilos tungo sa pagbabago ng bayan.


Kung ang dila’y patuloy na ikukulong ng sariling takot at ang dibdib ay magpapanggap na wala nang pintig, ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ng bagong kabanata ng bayang matagal nang binubulok ng sariling pananahimik? Ang lupang ito—na sabik maging pugad ng ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ at ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ—ay pinupunit ng alon ng pagkakawatak-watak, sapagkat iilan lamang ang may ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜€.


๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ, ni ang manabik na tila nanonood lamang ng sariling hinaharap na naglalayag palayo. Ang pangarap, kung hindi binubuo ng tinig at gawa, ๐™–๐™ฎ ๐™ช๐™จ๐™ค๐™  ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ na nilalanta ng hangin. At tayo—๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜† na dapat magpaliyab ng alab, upang maging liwanag ang dating anino.


Ngunit bakit nga ba madalas tayong ๐—ฝ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—ป, at ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป?Sapagkat mas madali ang manahimik kaysa magsalita, mas ligtas ang magkunwaring walang nakikita kaysa tanggapin na tayo’y kasangkot sa lahat ng nangyayari. Subalit ang bawat sandali ng pag-atras ay isang hakbang palayo sa kinabukasang inaangkin ng iba—at hindi kailanman ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ.


Kung nais natin ng bayan na tunay na atin, kailangang buwagin ang pag-aakalang ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€ para sa atin. Ang bansa ay hindi iniukit ng iisang kamay lamang; ito’y binuo ng milyun-milyong tinig na sabay-sabay na nagpasya, na hindi tinakot ng sariling pangamba. Ang pagbabago ay ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ก๐™–๐™œ๐™ง๐™ค na babagsak mula sa langit, kundi rebolusyong nag-mumula sa ating sariling mga ugat.


Huwag tayong umasa sa bukas na maaaring hindi sumapit. Sa bawat pagtindig na sumasalungat sa ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป, sa bawat salitang ipinupukol laban sa ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป, sa bawat galaw na sumasalungat sa ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป—doon unti-unting nabubuo ang perpektong lupang dati’y pangarap lamang.


At kung tayo’y nag-aatubili, itanong sa sariling dibdib: anong anyo ng bayan ang ating iiwan? Isang bayang itinayo ng ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€, o isang bayang giniba ng ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป?

No comments:

Post a Comment