Friday, October 3, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Pangakong nasa likod ng anino” ni James Meynard R. Pescadera

 



Inilathala ni: Rich Antonette Pescasiosa 

Petsang Inilathala: October 3, 2025

Oras na Inilathala: 3:48 PM


Kategorya: Tula

Tema: Mga pangako ng gobyernong patuloy na napapako.


Tila saan napunta ang boto ng

mamamayan? 

Sa pagsibol ng araw, nasaan ang 

kaunlaran?

Tila mga pangako noong araw ng 

halalan,

Sa dulo'y hindi rin naman kayang mapanindigan.


Matatamis na salitang akala'y para

satin,

Ngunit, lihim palang may mga ibang

hangarin.

Pagbabagong handog sa milyon milyong pilipino,

Tila hanggang ngayon, hindi malinis ni 

kapino.


Buwis ng pilipino, naglaho na parang 

bula.

Tagaktak na pawis, tuluyang nagiging

luha.

Sa likod ng malaking upuan, nariyan ang karumihan.

Saksi ang mamamayan, sa walang kapastangan.


Tao'y patuloy na umaasa sa mga

salita,

Mga planong inilatag, nauwi lang sa 

wala.

Paulit-ulit na tayong naloloko't napapako,

Sa mga salitang sinabing kanila itong "Pangako”.


Nauubos na ang pag-asa ng bawat mamamayan,

Kalakasan ng bawat isa'y naglaho ng

tuluyan.

Kalidad na serbisyo lamang ang nais 

matamo,

Ngunit, hanggang ngayon mga tao’y nagsusumamo.


Hanggang kailan ba tayo magbubulagbulagan?

Sa serbisyong tayo'y niloloko, harapharapan.

Magtatago nalang ba sa lilim ng 

anino?

O hahakbang tungo sa liwanag ng pagbabago?

No comments:

Post a Comment