Thursday, May 26, 2022

LITERARY: "Ang Panibagong Umpisa" by Airah Nazhyna


Published by: Euleen Summer Garchitorena

Date Published: May 26, 2022

Time Published: 4:05 pm


Kategorya: Prosa

Tema: Motibasyon

Sinopsis: Marapat na mahalin at tanggapin ang sarili nang hindi dumedepende sa ibang tao at sa kanilang mga paniniwala at opinyon. 


Minsan dinadala na lang ako ng hangin sa mundong kung saan makakapag-isip ako tungkol sa mga katunangan na hindi ko man lang natin naitanong dahil sa nawalan na ng pagkakataon. Kailangan ko ba talagang magpatawad sa tuwing may nagagawang kamalian ang malalapit o naging malapit na tao sa buhay ko? Sapat ba ang kapatawaran para mapawi ang lahat ng paghihirap na idinulot nila sa buhay ko kahit lingid sa kanilang mga kaalaman na siguradong ako ang apektado? Gaano ba sila nakaka-siguro na tunay ngang magaan sa aking kalooban ang pagpapatawad na inilahad ko sa kanila? Alam kaya nila ang mga kasalanang nagawa nila sa harap at likod ko?


Lahat ng mga tao kahit kasing tigas pa ng bato at kasing lamig pa ng yelo ang kanilang mga puso ay may karapatan pa rin silang makaramdam dahil isa silang tao. Ngunit sa tingin ba nila ay sapat na 'yang mga dahilan nila upang makampante sila? Dahil lamang sa alam na alam nila na kaya ko silang patawarin at pagbigyan sapagkat huling-huli pa rin nila ang mga kiliti ko? Masaya bang makita akong nagpapa-uto sa inyo? 


Ngunit hindi, hindi ako nagpapa-uto sa inyo bagkus ay umaasa akong mapapanindigan n'yo na sa pagkakataong ito ang salitang 'patawad' ngunit hindi pa rin pala. Akala ko ay magsisilbing leksyon sa inyo ang mga bagay at ang mga dumaang tao sa buhay n'yo upang matuto, ngunit hindi pala gano'n ang inyong hangarin. Ipinaramdam mo pa rin sa akin ang pakiramdam na hindi ko naman dapat nararamdaman. Ilang araw ang dumaan, ilang linggo ang lumipas, ilang buwan ang nagdaan, at ilang taon ang itinagal na palagi ko na lang hinuhuli ang sarili ko. 


Ngunit hindi, hindi na ngayon. Sa pagkakataon na ito at simula sa araw na'to, palagi ko nang isasama ang pakiramdam ko sa bawat hakbang na aking gagawin bago mag-desisyon sa isang sitwasyon na alam kong ako lang din ang mapapahamak sa huli. Sisiguraduhin ko na sa huling pagkakataon na pagtingin at paghigit sa akin pababa ay mas lalo akong lalakas at titibay sapagkat walang sino man ang makakahila o makakapagpababa sa akin.


Mahal ko ang sarili ko.

Mahalaga ako.


Hindi man makita ng ibang tao, ang mahalaga ay nakikita ko ang sarili ko.

No comments:

Post a Comment