Wednesday, October 15, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Ang Natitira Kong Lihim” ni Marielle L. Apdan


Inilathala ni: Jeliana Atabay


Petsang Inilathala: Oktubre 15, 2025


Oras na Inilathala: 8: 35 AM


Kategorya: Tula

Tema: Pag tatago sa buong mundo dahil ako ay naliligaw


Sa likod ng aking matatamis na ngiti,

ay may sugat na tinakpan ng ngiti.

Hindi lahat ng kaya ay gusto

Sapagkat sa bawat pagtatago...

ay dahan-dahang gumuguho ang aking mundo.


Ako'y naliligaw habang may liwanag,

tulad ng bituing iniwan ng kalangitan.

Ako’y alon sa dagat ng kawalan,

lumulutang, walang pampang na masasandalan.


Ang natitira kong lihim

ay ang bigat na takot akong ibahagi.

Nagpapanggap ang aking mga mata,

na parang walang bakas ng pagod at pangungulila.


Ako'y nangungulila sa dati kong anyo,

sa sariling alam ang tinatahak ko.

Sapagkat sa mundong ito,

mas madaling maging anino

kaysa maging tao.

No comments:

Post a Comment