Monday, October 6, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Kung Saan Ikaw ang Kuwento” ni Hayden Jam Recto

 

Dibuho ni Kirk Roxel Arguta

Inilathala ni Sophia Garcia

Petsang Inilathala: Oktubre 10, 2025

Oras ng Inilathala: 8:25 am


Kategorya: Tula 

Paksa: Pag-ibig na Naiwan sa Gunita


Sa bukas na aklat ng aking gunita,

naroon ang kwento ng ating ligaya.

Ngunit sa bawat linyang muling mabasa,

kasunod ay hapding hindi naglaho pa.


Mga bulaklak na nalanta’t nahulog,

sumasabay sa damdaming natutulog.

Kung paanong minsan ay kay sigla ng kulay,

ngayo’y abo na lang sa ilalim ng buwan.


Ang tinta ng alaala’y kumukupas,

ngunit pangalan mo’y di pa rin naglalaho.

Bawat pahina, ikaw ang pamagat,

kahit wakas ay iniwan akong gulo.


Umaabot ang kamay ko sa larawan,

naghahangad ng init ng kahapon.

Ngunit papel lamang ang aking nahawakan,

at hangin lang ang sagot ng panahon.


Minsang sigaw ko’y ikaw pa rin, ikaw pa rin—

ngunit ngayon ay tahimik na ang paligid.

Tila ba ang mundo’y di nakikinig,

habang alaala mo’y paulit-ulit.


Kung ang aklat ng puso’y sarado na sa’yo,

bakit patuloy kong binabalikan ito?

Hanggang kailan ba mauubos ang luha,

kung sa pahina lang muli kitang makikita?



No comments:

Post a Comment