Sunday, October 5, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Sigaw ng bayan” ni Jelaiza C. Silvestre

 



Disenyo ni: Janaeka Villanueva

Inilathala ni: Rich Antonette M. Pescasiosa 

Petsang Inilathala: Oktubre 5, 2025

Oras na Inilathala: 2:56 PM



Kategorya: Tula

Tema: Katarungan para sa bayang ninakawan


Ninakaw ang yaman, winasak ang dangal,

iniwang duguan ang bayang minahal.

Butil ng pawis ng mamamayan

ginawang ginto ng iilang gahaman.


Sa lansangan, tinig ay umaalingawngaw:

“Hustisya! Ibalik ang ninakaw!”

Hindi lamang kayamanan ang nawala,

kundi kinabukasan ng bawat pamilya.


O bayan kong umiiyak sa gabi,

hanggang kailan ka ba magtitiis?

Hanggang kailan magbubulag-bulagan ang batas

sa sigaw ng taumbayang naghahanap ng lakas?


Ngunit sa bawat pagnanakaw,

may binhi ng paglaban.

At darating ang araw ng pagtindig,

kung saan ang tinig ng bayan

ay magiging hatol ng katarungan—

matatag, pantay, at walang kinikilingan.


Hindi habang panahon

maitatago ang kasalanan.

Darating ang araw ng paniningil,

at kayo’y mananagot—

sa bayan, sa kasaysayan,

at sa Diyos na tunay na makatarungan.


Sabi nga: Kayo na nakaluklok,

huwag magbulag-bulagan—

dahil darating ang oras

na paniningil ay hindi n’yo matatakasan


Kung hindi ngayon, kailan pa?

No comments:

Post a Comment