It's the time of the year again! Spook and terror are everywhere. Aside from visiting and praying for our loved ones who are gone but not forgotten, different horrors and tales of the night are also rampant. That is why we in The Lycean Journal are proud to present our collection of terrifying literary outputs that are products of both fictional and nonfictional encounters of each writer. Welcome to the Literary Halloween Special 2020 of Lyceum of Alabang's school publication for SHS.
Illustration: Reign Andrea Javier |
"Study Buddy" by Erica G. Ildefonso
Ilang oras ka nang nakaharap sa screen ng kompyuter mo habang nagtitipa ng conclusion para sa research paper na ipapasa mo kinabukasan.
Alas-tres na ng madaling araw. Ramdam mo na ang pagod dulot ng walong oras na pagkakaupo mula sa pakikinig sa klase hanggang sa paggawa ng mga takdang aralin, at ngayon, sa paggawa ng research paper. Hinahanap-hanap na ng katawan mo ang malambot na kama habang pabigat nang pabigat ang talukap ng mga mata mo.
Sa gitna ng pagtitipa ay bigla ka na lang napatigil. Agad kang lumingon sa gawing kanan mo kung saan naroon ang bintana. May nahagip ang mga mata mo—isang anino. Hugis tao o baka hayop. Hindi mo mawari kung ano iyon dahil mabilis rin namang nawala sa paningin mo.
Teka, baka namamalikmata ka lang. Hindi naman totoo ang mga multo, sabi ng mama mo. Pinaglalaruan ka lang marahil ng utak mong gusto nang magpahinga.
Ibinaling mo uli ang atensyon sa kompyuter. Nagsimula kang magtipa, sinasadyang lakasan ang bawat pagpindot ng daliri sa teklado. Iyan lang ang dapat mong marinig . . . hindi ang malumanay na mga katok sa bintana na para bang may nagsusumamong pumasok sa loob at samahan ka.
Hindi! Wala kang naririnig na katok. Tunog lang iyon ng daga o kung anong hayop o di kaya'y kaluskos ng mga dahong isinasayaw ng hangin.
Sinampal mo ang mukha mo. Gumising ka! Huwag mo ngang tinatakot ang sarili mo.
Nag-unat ka na lamang ng braso at binti at nagpakawala ng mahabang hikab . . . ngunit ganoon na lamang ang kaba mo nang makarinig ka ng angil; mahina ngunit malalim at alam mong hindi galing sa iyo.
Ah! Tama na! Hindi mo na kaya ang mga imahinasyong nabubuo sa isipan mo na marahil ay dulot ng ilang kapeng ininom mo kanina. Kailangan mo na atang matulog at magpahinga.
Nagpasya kang ituloy na lang ang ginagawa kinabukasan. Wala ka na sa wisyo; pagod ka na, at kung ano-ano na rin ang naiisip mo. Pagkapatay mo ng kompyuter, nagulat ka pa nang bumungad sa'yo ang mukha mo. Ipinagsawalang bahala mo na lang at tinanggal ang saksak.
Patayo ka na nang mapatingin ka muli sa patay na screen ng kompyuter. Napatigagal ka, nanindig ang balahibo sa nakita — babae, mahaba ang buhok, nakatingin sa iyo mula sa screen.
"Shit." Dahil sa takot at kaba ay kinusot mo ang mga mata mo, nananalangin na sa pagdilat ay wala na ang kakaibang repleksyon sa harapan.
Pagbukas ng mga mata mo ay nakahinga ka nang maluwag. Wala na ang babae, mukha mo na lang ang tanging nakikita mo.
Hingang malalim. Inaantok ka lang. Hindi iyon totoo. Namamalikmata ka lang.
Tumayo ka na at dumiretso sa kama. Pagkahiga ay dinama mo agad ang kapayapaang dala ng unan at kumot. Hay, kaysarap mahimbing pagkatapos ng ilang oras na pagharap sa kompyuter. Sa wakas, makakapagpahinga ka na rin.
Makakapagpahinga ka na . . . ngunit siya, hindi. Nakatayo lang siya roon habang pinagmamasdan kang matulog. Buong gabi ka uli niyang babantayan.
Lagi lang siyang nasa labas, naghihintay kung kailan mo siya papansinin at papapasukin.
Hihintayin ka uli niya bukas at sa mga susunod na araw. Kung mainip siya, baka hindi na niya kailanganin ang permiso mo para pumasok.
"Carolina" ni Ashley Naron Larwa
Ilang buwan na rin ang nakararaan nang makilala ko si Carolina, at sa haba ng pamumuhay ko sa mundo, alam kong siya na ang nakatadhana kong pakasalan. Sino ba namang hindi mag-iisip ng ganoon kung nakahain na sa iyong harapan ang isang matalino, mayaman, masarap kasama, at magandang babae?
Simula nang magkita kami, hindi ko na maialis ang kaniyang mukha sa aking isipan. Oras-oras ay hinahanap siya ng aking mga mata, at dahil sa kanya, mistulang nabaliw ako sa pag-ibig. Marami ang nagsasabing ginayuma raw ako ni Carolina, dahil kulang na lang daw ay sambahin ko na ang dalaga. Pero sinong matinong tao ang mag-iisip ng gano’n sa isang babaeng hindi makabasag pinggan? Sa buong panahon na kami ay magkasama, hindi ko pa narinig na sumigaw ang dalaga, o kahit ang magalit—at iisipin nilang ginayuma niya ako? Ha! Kalokohan!
Illustration: Alex Legara |
Hindi naman nawawala sa aking isipan na hindi ko pa siya lubusang kilala, at maliit na bagay lang ang dahilan ng pagmamahal ko sa kanya, pero hindi ba at wala namang rason ang pag-ibig? Naniniwala rin akong mas makikilala ko pa siya at mamahalin kapag kami ay kinasal na.
Kaya sa aming ika-anim na buwan ng pagiging magkasintahan, inaya ko na siyang magpakasal—at inaasahan kong magbabago na ang takbo ng aming buhay, pero hindi ko naman akalain na sa iba palang paraan.
Nagwawala ang langit ngayong gabi, hindi mapatid ang pagbuhos ng ulan at ang okasyonal na pagyanig ng kalangitan dulot ng kulog at kidlat—pero hindi ko alintana ang nagngangalit na bagyo, nangingibabaw sa aking sistema ang pakiramdam na sa wakas ay asawa ko na si Carolina, at walang makahahadlang sa gabi ng aming kasal.
Hindi ko na mabilang ang sulyap na iginawad, at patuloy kong iginagawad, sa aking maybahay habang patuloy naming binabagtas ang kalye na walang kahit isang tao.
Sa muling pagsulyap ko kay Carolina, naabutan ko siyang tumatawa habang nakatingin sa akin.
“Ignacio, ano ba iyon at hindi ka matigil sa paglingon sa akin?” malumanay niyang pagtatanong sa gitna ng kanyang mahinhin na tawa.
“Wala lang, tinitignan ko lang kung hanggang kailan bago ako magsawa sa tanawin.” Isang ngiti ang kusang lumitaw sa aking mukha habang diretso ang paningin sa daan. Trahe de boda na yata ang pinakamaganda niyang nasuot, mukha siyang diwata ng kabundukan—mukha siyang anghel.
Naghihintay ako ng kaniyang sasabihin, ngunit nang isang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya nagsasalita, sinulyapan ko siyang muli at muntik na naming ikamatay at biglaan kong pagpreno sa gitna ng kalye.
Dahil nang sinulyapan ko siya, tila isa siyang mabangis na hayop. Hindi ko mabatid kung bakit ganoon ang naisip ko, pero kitang-kita ko ang panlilisik ng kaniyang mga mata na halos kuminang na sa gitna ng madilim na sasakyan at ang paggalaw ng kaniyang bibig na tila may gustong kumawala.
“Ulitin mo ang sinabi mo,” kabaliktaran sa tono ng kaniyang boses kanina, hindi ko na makilala ang boses niya ngayon. Alam kong boses niya iyon, pero ngayon ko lang narinig ang ganitong tono ng kaniyang pananalita—kakaiba na halos manggaling na sa ibang tao at hindi kay Carolina.
“Ulitin mo!” Kung kanina’y boses pa niya ang naririnig ko, ngayon ay hindi na. Naging makapal ang boses niya at gumagaralgal, at tila ilang nilalang ang sabay-sabay na nagsasalita—parang nanggaling sa isang halimaw sa impyerno.
Naguguluhan ako, hindi ko na alam ang nangyayari. Anong pinauulit niya? Anong nangyayari kay Carolina? Nasaan si Carolina?
Tuluyan akong nabato nang biglang maglabas ng pulang ilaw ang mga mata niya. Nang makabawi’y sinubukan kong buksan ang pintuan ng sasakyan, ngunit agad niya akong nahawakan sa dalawang balikat.
“Hindi mo ako pagsasawaan! Naiintindihan mo?!” patuloy ang pagwawala at pagsigaw ng halimaw.
Sa mga oras na iyon, habang unti-unting nasisira ang balat ng Carolina na nakilala ko at gumagapang palabas niya ang isang halimaw na hindi ko akalaing totoo, alam kong maling nilalang ang napakasalan ko.
Nang matanggal na ang balat ni Carolina, lumitaw ang isang halimaw na may sanga-sangang sungay na tulad ng sa isang usa at bungo ng isang demonyo. Saka ko naramdaman ang pagbangga ng kung ano man sa aming kotse at ang liwanag ng kung anong bagay na tumama sa amin.
Alam kong katapusan ko na—mamamatay na ako. Pero hindi pala kamatayan ang makapaglilistas sa akin sa sitwasyong ito.
Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko, pero hindi na ako ang katawan ko. Tinignan ko ang kamay ko at wala akong makitang pisikal na kamay—tanging usok; usok na hinihila, pinagpipira-piraso, kinukulong.
Nang bumalik ang ulirat ko ay nasa ibang lugar na kami. Sa hindi kalayua’y kitang-kita ko ang nagtataasang kakaibang mga establisyemento, mga kalsadang pumapantay sa kalangitan, ang libo-libong makukulay na liwanag, at sa harap ko ay isang arko tungo sa bayan na iyon—Biringan.
“Ignacio, mahal ko, pasensya ka na sa nangyari sa katawan mo. Hayaan mo at gagawin naman kitang hari sa kaharian ko.” Lumitaw sa gilid ko ang halimaw ng bayan na iyon. Sa puntong iyon, alam kong hindi na ako makababalik sa mundong pinanggalingan ko. Batid kong pag-aari na niya ako noong oras na hawakan ko ang kamay niya. Pero hindi ako natatakot, bagkus ay nalulungkot.
"Puente de Sacrificio" ni Fatima Rigel Ong
Bumalikwas ng bangon si Isabel at ininom ang tubig sa ibabaw ng mesa. Dinama ang sarili dahil hanggang sa paggising ay dama pa rin niya ang mga tila baging na gumapos sa kanyang baywang, leeg, kamay at mga paa. Mahabang panahon na ang nakararaan mula nang huli niyang mapanaginipan ang panaginip na iyon. Kinalma niya muna ang sarili at nahigang muli. Tinitigan niya ang kisame sabay lakbay ng isip tungo sa lugar hindi niya pa na pupuntahan ngunit kabisado na niya simula bata pa. Sumibol muli ang mga katanungan sa kaniyang isip. Misteryosong tunay para sa kanya kung bakit paulit-ulit na niyang napanaginipan iyon. Litong-lito man, ay napagdesisyonan na lamang ni Isabel na bumalik sa pagtulog.
Illustration: Jake Lagula |
Sa muling pagpikit ng mga mata ay dinala agad siya ng isip sa lugar ng kanyang panaginip. Parehong eksena, ngunit sa pagkakataong ito, tila mas dumilim ang mundong binalot ng misteryo. Natagpuan nalamang ni Isabel ang sarili sa isang masukal na gubat. Sa kapal ng mga dahon at sanga ng mga puno ay halos walang liwanag ang pumapasok dito. Nagkandasugat-sugat ang katawan ni Isabel dahil makailang beses siyang sumabit sa mga sanga at matalas na baging. Nang sa wakas ay nakalabas na siya ay sinalubong ng liwanag ang kanyang mga mata kaya napapikit siya, ngunit laking gulat niya nang may humawak sa balikat niya.
“Isa, handa ka na ba mamayang gabi?” tanong ng lalaki nang humarap siya. Nangungusap ang mga mata nito at tila tinakasan ng sapat na tulog at pahinga base sa nagingitim na ilalim ng mata nito.
“Gustuhin ko mang sumama sa’yo Isko ngunit batid mong hindi ko kayang iwan si inay at itay. Matanda na sila.” sagot ni Isabel sabay hawak sa kamay ng irog upang amuhin.
“Pendejadas! Alam mong ipinagkasundo ka nila sa kastilang na iyon! Ipakakasal ka nila sa caprichosong labanos na iyon at ihahanay ka lamang niya sa mga naunang babae niya na ngayon ay ‘di na mahagilap!”
Tumaas na ang boses ni Isko sa labis na pagkayamot. Bumuntong hininga siya at muling nagsalita.
“ Alas-nueve ng gabi mamaya, maghihintay pa rin ako Isabel. Kung sakaling magbago ang iyong isip, naroon lang ako sa dulo ng tulay. Hihintayin kita hanggang sa dumating ka, at kung sakaling hindi… wala na akong magagawa kung hindi ang palayain ka.” Pagkatapos sabihin ang mga huling katagang iyon ay kinantalan niya ng isang halik sa noo si Isabel at nagpaalam na, dala sa puso ang kaunting pag-asa.
Umuwi si Isabel sa kanilang tahanan, sinalubong agad siya ng kanyang ina at hinila sa kanyang silid. Ipinakita sa kanya nito ang isang magarang saya. Ayon dito, iyon daw ang susuotin niya sa hapunan mamayang gabi sa bahay ng mga Dominguez. Sinubukan niyang kausapin ang kanyang ina tungkol sa hindi niya pag sangayon sa nais nito ngunit pinatahimik lamang siya nito.
Isang kalesa ang huminto sa harap ng kanilang bahay. Sumilip si Isabel sa bintana at laking gulat niya nang mapagtanto kung sino iyon. Isang lalaki ang bumaba sa kalesa. Matikas ang pangangatawan, kasing itim ng gabi ang buhok, makinis at maputi ang balat, at mamula-mula ang pisngi at labi. Kahit sinong babae ay magkakandarapa dito, ngunit sa kabila ng maamong mukha nito ay alam ni Isabel na may kakaiba rito. Binati nito ang kanyang ama sa labas at binigyan ng isang supot ng kung ano. Agad namang pinapasok ng huli pagkatapos abutin ang supot. Dumagundong ang puso ni Isabel nang pumasok ulit ang kanyang ina sa kanyang silid. Pinalabas siya nito upang batiin ang bisita. Sumunod na lamang siya ngunit ‘di na nag-abalang mag ayos pa at basta na lamang hinarap ang panauhin. Isang masiglang ngiti ang binati sa kanya nito ngunit nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha.
“Sana makarating ka mamayang gabi, Isabel. Marami kaming nais makilala ka pa ng lubos,’ sabi nito.
“Ipagpaumanhin mo ginoong Dominguez ngunit hindi ko maipapangako,” sagot ni Isabel. Nasa tabi niya lamang ang kanyang ina kaya naman palihim siya nitong kinurot sa tagiliran.
“Ipagpaumanhin po ninyo senorito, makakarating po kami mamaya,” sagot ng kanyang ina. Pagkatapos niyon ay umalis na rin ang lalaki. Muli niyang kinausap ang ina upang baguhin ang isip nito ngunit tila wala nang makakapagpabago rito. Maayos naman niyang nakakausap ang mga magulang ngunit kapag ang banyaga na ang pinag-uusapan ay nagbabago ang ihip ng hangin.
Kinagabihan ay halos hilahin siya ng kanyang ina palabas ng bahay upang sumakay sa kalesang maghahatid sa kanila sa mansyon. Pagdating nila roon ay lahat ng mata ay natuon sa kanila. Makinang ang mga palamuti sa dingding at kay liwanag ng mga ilaw na mistulang lampara sa buong bayan. Marami ang dumalo ngunit wala siyang nakita ni isa man sa kanilang mga kabaryo. Pawang mga mestiza at mestizo ang mga bisita na tila galing sa marangyang pamilya base sa kasuotan ng mga ito.
Nang dumating ang hapunan ay dumulog sila sa mesa. Maraming handa, may inihaw na manok, tinola, lechon, isda at iba pa. Pero ang pinaka nakakuha ng kanyang pansin ay ang itim na kanin sa gitna ng mesa. Hindi naman ito mukhang sunog, sadyang itim lang talaga ang kulay nito. Kataka-taka pang isipin kung bakit halos lahat ng mga mata ay nasa kanya, wari’y may inaabangan ang mga ito. Bumuntong hininga si Isabel at nagpaalam sa ina na lalabas muna upang lumanghap ng sariwang hangin.
Malaki ang bahay kaya naman sa halip na gawin ang pakay ay naglibot si Isabel. Napukaw ang atensyon niya ng isang ipinintang larawan. Animo eksena sa totoong buhay na inilagay lamang sa kwadradong kahoy. Larawan ito ng isang kakahuyan ngunit sa dulo ng gubat ay tila may isang taong nakasilip sa likod ng isang malaking kahoy. Maganda ang larawan ngunit hindi niya makuhang mamangha dito dahil sa dala nitong kilabot sa kanya. Wala namang nakakatakot dito pero nagtayuan ang balahibo niya, lalo na nang haplusin niya ito. Hindi sinasadyang matanggal ni Isabel ang isang kahoy na nagsisilbing sabitan nito. Ibabalik niya na sana nang umawang ang larawan at nakitang tila may kwarto sa loob. Dala ng kyuryosidad ay pinasok niya ang silid ngunit isang nakasususlakok na amoy ang tumambad sa kanya. Puno ng naagnas na katawan ang silid, may lamang loob sa isang banda, may pugot na ulo na luwa ang mga mata, may hati ang katawan at nakilala pa nga ni Isabel. Iyon ang mga taong sinasabing nawala nalang raw na parang bula isang gabi.
Halos mawalan siya ng ulirat at napatakbo siya palabas, subalit nang bubuksan na sana niya ay isinara niya itong mula nang makarinig ng yabag.
“DΓ³nde estΓ‘ ella? (Nasaan na siya?) Alam mong kailangan ng lahi natin natin si Isabel dahil nasa kanya ang marka ng isang tagapagmana ng mga Dalaketnon! Siya ang susi sa kinabukasan ng lahat ng Dalaketnon kaya bakit ninyo hinyaang mawala siya sa inyong paningin?!”
Halos hindi na huminga si Isabel pagkalagpas ng dalawa. Nanigas siya sa kinatatayuan at binalot ng takot ang kaniyang buong sistema. Nilingon niyang muli ang mga katawan at tinakbo na palabas ang silid at maingat na tinungo ang bulwagan. Sinundo niya ang mga magulang ngunit laking gulat niya nang makitang wala tao sa buong kabahayan at tanging bangkay na lamang ng kanyang ama at ina ang nasa mesa. Duguan ang mga katawan nito at nakalabas ang bituka na animo'y baboy na bagong katay.
Naghihinagpis man ay wala siyang nagawa kundi ang tumakas sa impyernong iyon. Tinalon niya ang bintana sa halip na dumaan sa pintuan sa takot na may makasalubong palabas. Nasa dulo ng bayan ang mansyon de impyerno kaya naman wala siyang mahingan ng tulong. Tinawid niya ang gubat sa gilid ng kalsada upang hindi siiya makita ng kung sino man ang mga naghahanap sa kanya. Tanging sinag ng buwan ang naging ilaw sa madilim na daan.
Nagkandapunit-punit na ang kanyang saya at puno ng sugat ang paa ngunit patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Nakarating siya sa dulo ng tulay ngunit isang kamay ang humablot sa kanya. Impit na sigaw ang pinakawalan niya nang takpan nito ang kanyang bibig at siniko ng buong lakas ang humablot sa kanya. Natigil lang siya sa kakawala nang mapagsino ito.
“Isabel, sandali ako ito, si Isko.”
Hinarap ni Isabel ang irog at isang mahigpit na yakap ang isinukli niya rito at kasabay noon ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Tinanong nito kung anong nangyari sa kanya ngunit hinila na lamang niya ito upang tumakbo papalayo. Handa na siya, kahit saan man sila makarating basta kasama ang minamahal ay wala siyang pagdadalawang isip na tatakbo kasama nito.
Subalit sa halip na tubakbo ay pinigilan siya nito. Nagtatakang tititigan niya si Isko at isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Hindi nagustuhan ni Isabel ang mga ngiting iyon. Hindi iyon ang ngiti ng kanyang minamahal.
“Akala ko hindi ka na darating,” sabi nito at hinawakan siya nang mahigpit. Kumawala si Isabel ngunit laking gulat niya nang ihagis siya ni Isko sa may gilid ng tulay at tumakbo sa kabilang dulo nito.
Isang pigura ang lumitaw sa harap nila. Unti-unting nagbago ang anyo nito, ang dating maamong itsura ay napalitan ng tila kahoy na balat. Ang mga mata nito ay sing-pula ng dugo at mahahaba ang kamay na baging.
Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Isko. Noon pa man ay may hinala na ang lalaki na hindi normal ang mga dayong iyon sa kanilang bayan, at ngayon ay napatunayan niyang tama siya. Inilabas niya ang dalang itak at sumugod. Pinilit na kinuha ng maligno si Isabel, ang mga baging na kamay nito ay pumulupot sa kanya at nagbukas ng isang lagusan papunta sa mundo ng mga engkanto. Tinaga ni Isko ang galamay ng engkanto ngunit humaba lang itong muli.
Iwinasiwan niya sa ere ang itak upang putulin ng putulin ang mga braso nito, pagod man, ay buong tapang niyang sinuong ni Isko ang pwersa ng kadiliman. Alam niyang oras na makuha nito si Isabel at maipasok sa lagusan ay hindi na ito makakabalik pa sa mundo ng mga tao.
Sa takot ay walang lingon-likod na tumakbo si Isabel upang tumakas. Tinakbo niya ang mahabang daan at determinadong lumabas sa bayang kinagisnan.
Sa kabilang banda ay parang walang katapusan ang sagupaan dahil kapag pinutol ni Isko ang kamay ng maligno ay hahaba rin ulit at alam ni niyang latang-lata na ang kanyang katawan at ilang sandali na lamang ay bibigay na siya. Ngunit ipiningangako niya sa mundo at sa buwan na kahit n anong mangyari ay ililigtas niya ang minamahal. Kaya naman sa huling pagkakataon ay tinapunan niya ng tingin ang dalagang tumakbo palayo at mabilis na binigkas ang mga katagang “mahal kita”.
Walang takot niyang sinugod ang engkanto. Itinapon niya ang sarili mismo dito at itinulak sa lagusang ginawa nito. Subalit huli na ang lahat nang mapansing niyang may baging na pumulupot sa kaniyang paa at nahila siya kasama nito.
Bumalikwas ulit ng bangon si Isabel mula sa pagkakahiga at pinunasan ang mga luhang umagos sa kanyang mukha. Alam niyang walang katuturan ang isang panaginip na marahil nga ay hindi totoo, subalit dama niya sa kaibuturan ang hinagpis at panghihinayang.
Alam ni Isabel kung saan makikita ang tulay sa kanyang panaginip, pinuntahan niya ito at nag-alay ng bulaklak. Napalingon si Isabel sa kabilang dulo ng tulay at tumahip ang kanyang dibdib dahil sa isang pamilyar na ngiti na kanyang nasilayan…
"Huwag Kang Mag-iiwan ng Tsinelas sa Labas" ni Erica G. Ildefonso
Bukod sa iba’t ibang masasarap na pagkain at magagandang tanawin, marami ring nabubuhay na mga haka-haka, pamahiin at kwentong katatakutan sa probinsya namin sa Bicol. Bilang isang batang nakatira sa tahanang puno ng mga tradisyon at relihiyosong paniniwala, napilitan akong sundin ang mga regulasyon nila kahit na sa palagay ko ay hindi naman totoo.
Sana ay nakinig na lamang ako sa kanila.
Hindi ko makakalimutan ang engkwentro namin sa kanila noong gabing iyon. Ika-dalawampu’t walo ng Mayo, piyesta noon, kasama kong pumunta sa baraylehan ang kapatid kong si Francis at ang dalawa kong pinsang sina Sandra at Lotlot. Puno ng mga taong nagsasayawan ang court na katabi ng isang bakanteng lote. Maingay at buhay na buhay ang paligid dahil sa mga makukulay na ilaw at nakakaengganyong musika.
“Tana Faith, maki-bayle kita!” (Halika, Faith, makisayaw tayo!)
Tumanggi ako. Bukod sa napilitan lang akong samahan sila ay hindi naman talaga ako marunong sumayaw kaya nanatili lamang ako sa sulok habang nainom ng sprite at pinapanood silang umiindak sa kalagitnaan ng mga tao. Kuntento na ako sa pagmasid nang biglang may umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa lalaki. Matangkad siya at malaki ang pangagatawan. Kapansin-pansin din ang choker niya sa leeg. Akala ko noong una ay may iba siyang kasama ngunit nagulat ako nang bigla niya akong kinausap.
“Taga-dine ka?” (Taga-rito ka?)
Hindi ako sumagot. Naalala ko ang bilin ni mamay na huwag makipag-usap sa mga estranghero.
Tinalikuran ko siya para hindi na niya ako kausapin. Ramdam ko pa rin siya sa tabi ko. Hindi ko na lang siya dapat papansinin noon pero bigla niya akong kinalabit. Sa puntong iyon ay nainis na ako kaya tumayo ako at pumunta kina Sandra. Dahil malapit nang maghatinggabi, inaya ko na silang umuwi.
“Sugad man sin KJ ine, sayo na indak makanhi na kita sa balay.” (Ang KJ mo naman! Isa na lang tapos uuwi na tayo.)
Napabuntong hininga na lang ako at umupo uli ngunit hindi na sa pwesto ko kanina. Ilang minuto na silang nagsasayaw pero parang hindi pa rin sila napapagod. Ayaw ko namang sirain ang katuwaan nila kaya nanatili na lamang akong nakaupo.
Nagulat na lang ako nang bumungad sa harapan ko ang lalaki habang hawak ang sprite na iniinom ko kanina.
“Ineng, sayo ine?”
Tumango ako bilang tugon pero hindi ko na tinanggap ang sprite. Umupo uli siya sa tabi ko pero imbis na sungitan ay hinayaan ko na lang. Mukha naman siyang mabait at hindi gagawa ng masama.
“Dire ka taga-Bagacay, ‘no?” (Hindi ka taga-Bagacay ‘no?)
“Oo, taga-Laguna kami.” Hindi ko rin alam kung bakit ako nakipag-usap sa kaniya no’ng sandaling iyon. Dahil na rin siguro sa pagka-inip ko sa paghihintay kina Francis ay nakuha kong suwayin ang bilin ni mamay na huwag makipag-usap sa hindi kilala.
Ilang minuto rin kaming nag-usap ng kung ano-ano. Minsan pa’y pinagtawanan namin ang pagsayaw ng isang lalaking lasing. Hindi ko mawari noon kung bakit kumportable akong kausap siya kahit na mukhang mas matanda siya sa akin ng ilang taon.
“Ano nga palang pangala—”
Bago ko pa masagot ang tanong niya, nakita kong papalapit na sina Francis kaya dali-dali akong tumayo.
“Tara, ate, uwi na tayo. Ihing-ihi na ako.”
Nilingon ko ang lalaki para magpaalam ngunit bigla na lang siyang nawala. Inisip ko na lang noon na baka umuwi na siya o sumama sa mga kaibigan niya.
Noong naglalakad na kami pauwi, hindi ko maiwasang maramdaman na para bang may pares ng mga mata ang nakasunod sa amin. Medyo liblib ang daang tinahak namin pauwi, madilim at maraming puno at tanging yapak at kuliglig lang ang naririnig. Malamig din ang simoy ng hangin na dumagdag sa nakakatakot na pakiramdam.
Nakahinga lang ako nang maluwag noong masilayan ko na ang bahay. Si Francis naman, dahil hindi na kayang pigilan, ay umihi na sa tabi. May susing dala si Sandra dahil kami lang ang naiwan ngayon sa bahay. Nasa kabilang baryo ang mga magulang namin upang makipagpista sa iba naming kamag-anak. Bago pumasok, lumingon pa si Sandra sa amin at nagbilin na ipasok ang mga tsinelas namin sa loob. Nagtaka ako dahil marurumi ang mga tsinelas namin at baka maputikan lang ang sahig ng bahay.
“Basta, sundin niyo na lang.”
Ginawa ko ang utos ni Sandra kahit gulong-gulo ako noon. Inisip ko na lang na baka isa iyon sa mga paniniwala nila sa probinsiya.
Naglatag agad kami ng banig at natulog sa sala nang magkakasama. Hindi uso sa amin ang hiwa-hiwalay na kwarto. Mabilis kaming dinalaw ng antok dahil na rin sa pagod.
Mahimbing ang pagtulog ko nang maalimpungatan ako dahil sa katok na narinig ko sa pinto. Bandang ala- una na noon kaya nagtaka ako kung bakit may kumakatok. Ipinagsawalang-bahala ko na lang at bumalik sa pagtulog.
Sa ikalawang pagkakataon, muli akong nagising. Lumakas at naging agresibo ang pagkatok na para bang nagpupumilit nang pumasok. Sa pagkakataong iyon ay ginising ko na si Sandra na nakatalikod sa akin. Dahan-dahan siyang humarap at sinenyasan akong manahimik. Halong kaba at lito ang naramdaman ko nang mapansin ko ang takot sa mga mata niya.
Nagising na rin sina Lotlot at Francis. Nagsiksikan kami sa sulok at naghawak-kamay. Pare-pareho kaming takot na takot nang biglang nagsalita si Sandra. “Kahit anong mangyari, huwag ninyong bubuksan ang pinto.”
“Bakit? Sino ba sila?” Hindi ko na napigilang magtanong.
“Hindi sila sino – ano.”
Napamura na ako sa isipan habang yung kapatid ko at si Lotlot ay naiyak na.
“Huwag kayong mag-alala. Aalis rin sila pagkatapos ng isang oras.”
Napatulala ako. “Sandra, alas-tres na. Ibig sabihin, dalawang oras na silang nasa labas.”
“Bakit? Nasa loob naman lahat ng tsinelas natin ah,” pabulong ngunit mariin niyang sabi sa amin.
“Ano bang meron sa mga tsinelas?” Gulong-gulo na ako.
“Makinig kayo. Hindi mga ordinaryong tao ang nasa labas. Miyembro sila ng kulto at naghahanap sila ng bibiktimahin gabi-gabi. Kapag may nakita silang tsinelas sa labas ng bahay, kakatok sila sa pinto, at kapag pinapasok ay kukunin nila ang may-ari ng tsinelas.”
Nanindig ang balahibo ko sa litanya ni Sandra. Katulad nina Lotlot ay naiiyak na rin ako.
“A-anong gagawin nila sa may-ari?” Nagulat ako nang magtanong ang kanina pang tahimik na si Francis.
“Gagawin nilang alay sa diyos na sinasamba nila.”
Tuluyan nang humagulgol si Francis. “Ate . . . naiwan ko yung tsinelas ko sa labas.”
Napamura ako. Gusto ko na siyang batukan nang mga sandaling iyon pero bilang ate niya, inalo ko siya at pilit na pinatahan. Nilingon ko si Sandra. “Kailan sila aalis?”
Natahimik siya. Bago pa niya masagot ang tanong ko ay may lumagabog sa bubong na para bang mga pusang nag-aaway dahilan para mas lalo kaming matakot. Sinubukan kong gamitin ang cellphone ko para tawagan sina mama ngunit nakapagtatakang walang signal ng mga sandaling iyon. Wala ring silbi kung sisigaw kami dahil magkakalayo ang mga bahay rito sa isa’t isa.
Ilang minuto ang lumipas at humupa na ang mga pagkatok. Naisip kong baka napagod na rin sila at umalis na. Patayo na sana ako nang hawakan ni Sandra ang kamay ko at hinigit ako paupo.
“Kapay! Huwag kang lalabas. Nariyan pa sila.”
Pinayuhan kami ni Sandra na magdasal nang taimtim. Iyon daw ang magsisilbing proteksyon namin. Habang nagdadasal kami ay hindi ako mapalagay. May kung anong enerhiya ang humihila sa akin palabas. Dahil sa kuryosidad, sumilip ako sa butas ng bintana. Nanlambot ako sa nakita ko. May mga tao sa labas, nasa dalawampu ang bilang, nakasuot ng sutanang hindi ko mawari kung kulay itim o kape. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil sa talukbong. Lahat sila ay nakaharap sa pintuan namin.
Nanindig ang mga balahibo ko nang bigla silang humarap sa direksyon ko na para bang alam nila kung nasaan ako. Gumapang ako palapit kina Sandra at nagsimulang magdasal. Isang oras ang nagdaan hanggang sa nagsimula nang tumagos sa loob ang liwanag sa labas. Sa wakas, umaga na. Nakatulog na sa takot sina Francis at Lotlot sa tabi namin.
Hanggang sa may kumatok uli. Nagkatinginan kami ni Sandra, parehas kaming nag-alangan kung bubuksan ang pinto nang bigla na lang umikot ang seradura. Sa sobrang takot ay napapikit na lamang ako at napausal ng mahinang dasal.
“Mama!” rinig kong sigaw ni Sandra.
Pagkabukas ko ng mga mata ko ay tumambad sa pintuan ang mga magulang namin. Bakas sa mga mata nila ang pagtataka sa kalagayan namin. Para akong nabunutan ng malaking tinik kaya napaiyak na lang ako at niyakap si mama. Nagising na rin sina Francis at Lotlot. Nang mahimasmasan ay isinalaysay namin ang nakakatakot naming karanasan.
“Matagal na silang pinalayas sa baryo natin. Hindi ko alam kung bakit at paano sila nakabalik dito,” paliwanang ni tiyo.
“Basta, mga bata, mag-iingat kayo palagi lalo na sa labas. Kung may magtanong ng pangalan ninyo ay tumakbo na agad kayo. Hindi niyo alam, baka mamaya, kakaiba na pala ang mga taong nakakasalamuha niyo,” dagdag pa ni tiya.
Naalala ko ang lalaking nakausap ko kagabi. “May paraan ba para malaman kung sino sila?”
Napatigil si tiya bago sumagot, “Bukod sa marka ng demonyo sa dibdib, may tatu rin sila sa leeg na parang kwintas. Iyon ang indikasyon na kaanib sila ng kultong sumasamba kay Satanas.”
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang sandaling iyon. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Naiyak na lang ako sa isang realisasyon. Ang lalaking nakausap ko kagabi, ang akala kong choker na isa palang tatu – muntik na nila akong makuha!
"Castaway" by Erica G. Ildefonso
I felt my heart sank every time I saw you brought someone upstairs. It was a different face each day, but you always exuded the same glee. Each time I heard your waves of laughter, I couldn't help but think, "Why wouldn't you share that same laughter with me?"
Perhaps, you have grown accustomed to my existence that my presence didn't excite you anymore. I could feel your hostility towards me whenever I tried to come near you because you didn't even bother to hide it. You glanced at me with that look in your eyes as if telling me to go away.
I just wanted to play with you, Louise. I wanted to have fun with you like how we used to when we were young, where we would fall to our knees, crying and laughing, and mama would burst into the room to ask if we're okay. I wanted to go back to the days filled with playing touch and go or hide and seek. I wanted to go back to the nights filled with mama's stories and lullaby as she hummed us to sleep. I wanted to go back to the past, where it was just you and me. We had the best of our times before, right?
What happened to us? You couldn't even look at me directly in the eyes. The gap between us grew as we grew older. You became distant and cold. You refused to talk to me or even play with me even if I spent hours begging you. Honestly, your unveiled indifference killed me every time.
One day, as you came home from school, I felt my face lit up with great excitement, but it instantly dropped when I saw a man with you. He was not like the others you brought home. I stopped for a moment when I recognized his face: old and intimidating. I felt like I have seen him before. Ah, that man again! You knew how I despised him, Louise. I went behind your back to shield myself from harm, but you just shivered and shrugged your shoulder.
Get him out of this house! He was a bad man, Louise! He would hurt you like what he did to me before. I could still feel the pain from his attacks to this day. Could you not see how ruthless and evil he was? Why were you even protecting him?
Mama and Papa came in. I went near them to say how irresponsible you were for letting that man in. My complaints, however, have fallen into deaf ears again.
The man began whispering some weird utterances. I couldn't comprehend a word he was saying, but I felt a sharp pain in my back, wrist, and arm every time he spoke. You and our parents even joined him. Were you enjoying this torture, Louise?
He got a bottle full of water and sprinkled it all over the place. I didn't exactly know what's that for, but one thing I have learned: just a drop of that water could result to unbearable agony.
With his eyes closed, he shouted, "In the name of the Father, and the Son, and the Holy Spirit, I command you, evil spirit, depart from this house!"
I let out a shrill cry as the water touched my fragile skin. It hurt! It hurt everywhere, Louise. Please make it stop, I begged you. I felt the excruciating pain in my chest as I continued to scream. The tables turned, the glasses broke. I could feel the fear in your heart as you witnessed the havoc, but you stood still in your place while uttering the words I never knew.
The man turned to mama. "The force is stronger this time. I don't know if we can cast her out."
I saw tears forming on your lids when you heard him. Have you finally realized how painful this is for me? Had it finally dawned on you how that man wanted to annihilate my existence so I couldn't be with you anymore?
I thought you would save me from this misery, but you told me words that completely shattered my heart into pieces.
"Go away, Lana! It has been ten years of you pestering us! Please leave me alone!"
It was the first time you spoke to me after a decade, but those were the things I would hear from you? Why did you become so evil, Louise?
Were you still mad at me after winning hide and seek? I remembered how long it took you to find me in that chest. It was hot and dark there, Louise. I was so scared as I kept on shouting your name to let me out, but you never did.
I went near to hug you even if my frail hands just passed through your body. You kept on sobbing while murmuring the words, "I didn't mean what happened before. It was an accident."
If only you could hear me right now, I would gladly assure you that I never blamed you, Louise. I wasn't mad. I only wanted to play with you and hear mama's lullaby again. I honestly wanted to spend more time with you, but maybe, it was time for me to let you go.
Although I knew you couldn't see me, I smiled at you for the last time as I let my soul succumbed to darkness.
"Kaibigan" ni Daniel Garcia
Minsan ba'y naisip mo kung lahat ba nang nakikita mo sa paaralan ay totoong tao? Baka sila ay mga kakaibang elementong nagpapanggap na studyante lamang upang makahanap ng sunod na kanilang bibiktimahin.
Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa inyo na sa loob ng isang-daang bahagdang studyante sa paaralan may isang porsyentong posibilidad na makasalubong ka ng hindi mo kapwa tao?
"Andres naniniwala ka ba sa mga aswang?" tanong ko kay Andres.
"Hindi bakit? May nakita ka na bang aswang?" tugon niya sakin.
Ang sabi ko naman sa kanya ay wala... na kahit isa ay wala pa akong nasisilayan na aswang.
"Siguro sadyang mga mangmang ang mga tao para maniwala sa mga sabi-sabi na yan na wala namang katunayan," bigla kong nasambit habang kami ay papasok sa aming silid-paaralan.
Pag pasok namin, narinig namin ni Andres na ang mga kaklase namin ay may pinag-uusapan. Narinig ko na meron daw natagpuang bangkay sa likod na bahagi ng aming paaralan. Sabi nila ay mayroon daw itong kagat sa leeg at braso, at ang ibang bahagi naman daw nito ay hindi matagpuan. Ang pinaghihinalaan nila na gumawa nito ay aswang. Iniisip nila na mayroon daw aswang sa paaralan namin sa kadahilanan ngang ang lugar na pinagtayuan ng aming paaralan ay isang liblib na lugar at ang katabing lugar naman ng paaralan namin ay isang mapunong bakanteng lote.
Alas-otso na ng gabi ngunit andito parin kami sa aming paaralan habang gumagawa ng aming proyekto sa asignaturang Filipino.
"Emilio, bibili lang ako ng ating makakain," paalam sakin ni Andres bago siya umalis.
Habang ako'y magisa at nagawa ng aming proyekto, meron akong napansing kakaiba. Meron akong napansin na may matang kulay dilaw na nakatingin sa akin ngunit sa takot ko, hindi ko na lamang ito pinansin. Nawala ang takot ko nang dumating si Andres na may dala-dalang pagkain at inumin.
"O, ayan kumain ka na mun. Masyado kang nagbababad diyan sa proyekto na yan, ako na muna ang gagawa diyan," sabi sa akin ni Andres.
"Salamat Andres," tugon ko naman sakanya. Inabot na kami ng alas-onse sa paaralan dahil sa proyekto na kailangang tapusin. Habang ako'y may pinagmamasdan, may nakita ulit akong kakaiba ngunit ngayo'y hindi na siya mata bagkos isang katawan na walang ulo.
"Emilio, ano nangyari sayo? bigla kang atang nanigas diyan."
"Andres, mayroong katawan na walang ulo sa likod mo." Sa sobrang takot namin ay tumakbo kami papalayo at papunta sa likod ng aming paaralan.
"Mukang ligtas na tayo dito Andres, mukha namang hindi tayo sinundan at maliwanag naman na dito sa bakuran," sabi ko naman kay Andres.
"Oo, mabuti umuwi na lamang tayo hayaan na natin ang proyekto natin kaysa sa tayo pa ay mapahamak." Sabi ni Andres na akin din namang sinang-ayunan. Habang kami ay naglalakad, napansin ko na mas naging malamig ang simoy ng hangin at mas dumilim ang paligid. Sa sobrang takot ko ay sinabi ko to kay Andres. Ngunit nagulat ako dahil naging iba ang itsura niya: ang dati niyang mga matang kulay berde ay ngayo'y naging kulay dilaw at ang balat naman niyang kayumanggi ay onti-onting nagiging kulay itim.
"Naniniwala ka na bang totoo ang mga aswang, Emilio? Matagal na kitang gusto biktimahin ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong makasama kang mag-isa."
Hindi ko nagawang makakibo dahil sa sobrang takot. Hindi ko rin inaasahan na ang pinaka-matalik kong kaibigan ay siya rin palang tatapos ng aking buhay. Akala ko isa lamang silang haka-haka ngunit eto na ngayon sa harap ko ang isang aswang na nagpapanggap na isang tao... isang aswang na tatapos ng aking buhay.
"The Retreater (an excerpt from 'Decay In Her Bones')" by Eric Paulin
John, a retreater, was enjoying the view of Caleruega which was made more beautiful in the morning. Aged 25, he still had the looks of a college student. Strapped around his lengthy body was a camera that he used to capture any sight that caught his eyes. He regretted leaving his jacket for the coldness had doubled after a drizzle that morning. The metropolis of leaves around him was still wet; their dews shone like diamonds in the morning sun.
No comments:
Post a Comment