Friday, February 5, 2021

LITERARY: "Sandalan" by Mateo Agustin

Sino nga bang mag-aakala na sa tagal na nating magkakilala ay mayroon kang ganitong klase ng pagkatao. Mabilis maasar? Oo, maganda para sa akin kasi ang pagkunot ng iyong nuo ay siyang pagngisi ng aking mga labi. Understanding? Oo, na kahit na marami akong ginagawa ay pilit mong sinasabi na ayos lang habang nakatingala sa mga tala. May mga pagkakataon pa nga na kahit na ayaw ko ng kausap ay tinabihan mo lang ako sabay sabing, 


"Nandito lang ako." 


Tumingin ako sa'yo, ikaw rin sa'kin. 'Di ako nagsalita sa kadahilanang mababaw lamang ang aking emosyon na kapag ipinapatuloy ko pa ito ay bigla akong magpumiglas at umiyak. Pero sa katunayan ay gusto kong isigaw lahat. Gusto kong isigaw na maswerte ako sa'yo.


Ang ginawa ko? Sinandal ang aking ulo sa iyong balikat, niyakap mo naman ako nang mahigpit. Habang nakatingin sa madilim na kalangitang nababalot ng ulap, bituin, at pagmamahalan.

No comments:

Post a Comment