Tuesday, June 1, 2021

LITERARY: "Hingang malalim" by Daniel Garcia

Bumubuntong hininga,

Habang nakatitig sa langit.

Naguguluhan sa dami ng iniisip.


Buhay di alam kung saan patungo.

Sigla'y unti-unting naglalaho.

Luha'y unti-unting pumapatak.


Mukha'y nalulunod sa mga nagbabadyang luha.

Puso'y nag dadalamhati sa mga kaganapan.

Mga trahedyang pumupunit ng pagkatao.


Bumubulong na lamang sa sarili.

Hindi ko na alam ang aking gagawin.

Saan na nga ba ako patungo?


Ano na nga ba ang kahahantungan?

Dito na ba magtatapos ang storya?

Hanggang dito na lamang ba sisikat ang araw?

No comments:

Post a Comment