Thursday, February 17, 2022

EDITORYAL: "Walang labis, sobrang kulang" ni Allen Paolo M. Mirondo


"Magtanim ay 'di biro, maghapong nakayuko," isang pariralang hango sa kanta subalit dalita ba ng mga nagsasaka ang tinutukoy o isang mensahe para sa mga ganid? 


Kada isang libong butil ng palay, isang butil lamang ang gantimpala. Masaklap na katotohanan na kung sino pa ang maghapong nakayuko, kung sino pa ang nakalubog sa maputik na palayan, na kung sino pa ang nagtatanim — sila pa ang naaagrabyado. 


Umaasa sa sangdaang pisong kita araw-araw, napipilitang lamang alisin sa tubig ang hitil na hitik na pinagpawisan dahil kumakalam na ang sikmura. Nakakalungkot lamang isipin na dakila ang tingin ng nakakarami ngunit kalimitan sila ang nasisiil. 


Paano na aahon sa maputik na bukirin ang naaapi kung hindi tama ang bayarin? Paano na babangon ang mga kapus-palad kung bulok ang sistema? Pa'no na ang mga dakilang magbubukid?


Artwork:

Jemina Gonzales


Published by: Airene Nicole Q. Pamintuan

Date Published: February 17, 2022

Time Published: 1:27 PM

No comments:

Post a Comment