Kategorya: Tula
Tema: Kabayanihan
Buod: Paggunita sa araw na hindi malilimutan,
Karangalan para sa kasarinlan.
-
Taas noong katapangan ang mamataan
Simbolo ng kapayaan kung sila'y turingan
Kalayaang natamo dahil sa kabayanihan
Mga magigiting na taong hindi malilimutan
Ngalan nila'y tatak na sa kasaysayan
Rebulto't mukha'y kalat sa bayan
Mga araw na sakanila ay nilalaan
alalahanin natin ang kanilang kagitingan
Tunay at handa para sa bayang sinilangan
Lakas sa paglingkod sa mga mamamayan
Sa pag kawang gawa o sa labanan man
Tapat sa sinumpaan at laging maasahan
Hindi dapat magpawala sa ating kalituhan
Kung sino nga ba ang dapat bigyang kilanlan
Sa paggawa ng kabutihan ating malalaman
sa dangal na binigay sa ating lipunan
Mga bayaning karapat dapat sa karangalan
Ang pagsakripisyong ating pinasasalamatan
Sa pagbibigay dangal sa ating lipunan
At sa katarungang tumatak sa ating isipan
-
Published by: Julianne Andrei Batiao
Tume published: 11:34 am
Date published: April 18, 2022
No comments:
Post a Comment