Tuesday, May 10, 2022

FEATURE: “Mga insidente ngayong halalan 2022” ni Joanna Elisha Medina

Published by: Lloyd Agbulos 

Date published: May 10, 2022

Time published: 12:12 PM


Hindi pa rin maiiwasan magkaroon ng kaharasan at insidente ngayong Halalan 2022. Kahapon lamang, tatlo ang naiulat na namatay at dalawa ang sugatan sa Malabang, Lanao del Sur. Ayon kay Col. Christopher Panapan, Lanao del Sur provincial police director, sinusubukan nilang imbestigahan ang pinagmulan at kung ano ang puno’t dulo ang nangyaring pamamaril, ngunit ayon din kay Panapan, politika ang isa sa dahilan ng pamamaril sa kadahilanang kamag-anak ng mga kandidato ang ibang biktima.



Bukod sa naganap na siraan ng VCM o Vote Counting Machine sa Brgy. Magonaya, Binidayan Lanao del Sur, may tatlong namatay. Hinihinalang flying voters ang mga biktima, samantala ang mga supek ay nakatakas ngunit sila’y pinaghahanap na ng PNP at AFP.



Isang kaganapan din, matapos ang pamamaril bandang umaga ng botohan kahapon sa Buluan, Maguindanao, isa ang naitalang sugatan at tatlo ang namatay na miyembro ng BPAT o Barangay Peacekeeping Action Team. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang mga suspek.


Anim naman ang naiulat na sugatan matapos hagisan ng granada ang isang paaralan sa Datu Piang, Maguindanao.


Sources:

Inquirer

GMA news 

ABS CBN news

No comments:

Post a Comment