Sunday, May 8, 2022

LITERARY: "Aking Ina" ni Juzmine Rein R. Iguid

Published by: Lloyd Agbulos 

Date published: May 08, 2022

Time published: 3:57 PM


Kategorya: Tula

Tema: isang tulang alay para sa mga ina

Buod: Sa araw ng mga ina na atin na ngayon ipinagdidiwang, isang tula ang aming handog para sa araw na ito, isinasalaysay sa tulang ito ang pag hihirap at sakripisyo ng bawat ina na handang gawin para sakanilang pamilya't anak.


Magsimula tayo sa umpisa,

Kung paano mo ako kinarga.

Gabi gabing nag iingay

Hawak mo'y magaan at malumanay.


Salamat sa pagtuturo, 

Kung anong tama at mali

Madami ang kasalanan

Madami ring pagkakamali


Ngunit ina, hindi ka napagod umintindi

Kahit pagod na pagod, ika'y ngingiti

Makita mo lang na masaya kami

Kahit ika'y nahihirapan sa araw at gabi.


Lagi mong tandaan andito lang kami

Laging susuporta sa iyong tabi

Hindi ka iiwan laging aalalayan

Pahinga ka muna aming ilaw ng tahanan


Hindi sapat ang bawat salita

Para magpasalamat sayo

Labis pa sa labis ang iyong nagawa

Salamat sa iyong pag unawa.


Mama, nanay, mommy, o kung ano man ang itawag

Ngunit maraming sakripisyo para sa pamilya

Ngingiti kahit na pagod na

Kakayanin kahit ubos na ubos na


Ako'y nagpapasalamat sa iyo

Kung wala ka ay wala din ako

Kahit anong mangyari ay wag mong kalimutan

Laging sasambitin mahal ka namin aming tahanan.

No comments:

Post a Comment