Published by: Jan Yeasha Mendez
Date published: May 11, 2022
Time published: 12:03 PM
Kategorya: Poetry
Tema: Eleksyon
Sinopsis: nagdaan ang ilang taon na ang tanging hiling ay pagbabago, sapagkat binigo tayo ng kapwa natin pilipino.
pakiwari, ito ay bago sa paningin ko,
tila iba't ibang hangarin mayroon ang mga tao-
maging matatanda man o kabataang pilipino.
subalit, nakapagtataka at iisa ang kanilang gusto,
ito na nga ba ang hinihintay na pagbabago?
mga mata ko ay kumikinang,
sa kadahilanang napakasarap nito pag masdan
iba't iba ang kanilang pinanggalingan
marahil ang kanilang hangad ay para sa ikabubuti ng inang bayan.
tanging hiling ay maiwasan ang nakaraan,
kahapon na tila tumatak sa kasaysayan,
na naging rason upang tuluyan-
na masira ang bayang sinalangan
pagbabago, ito ang hangad ng nga Pilipino.
tila ang kalayaan sa pagpili ng kandidato-
ay kanilang sinayang nanaman sa pagkakataong ito.
ilang beses ba kailangang ulitin?
na ang pagbabago ay mag sisimula sa atin.
ito ay hindi na sa kulay ng mga partido
ito ay tungkol na sa pagiging makabayang Pilipino
Pilipinas nga ba ang mahirap mahalin?
o mga Pilipino ang mahirap mulatin?
No comments:
Post a Comment