Date Published: February 17, 2023
Time Published: 8:54 AM
Kategorya: Tula
Tema: Pagnanais ng kapayapaan
Naglakas loob ako.
Naglakas loob akong harapin ka,
Kahit natatakot ako.
Dahil baka umiwas ka.
Mula sa pagpikit hanggang sa pagmulat ng aking mga mata,
Hinintay kita.
Hanggang sa pagsikat at paglubog ng araw,
Hinintay kita.
Sa pagmamahal ko sa iyo napagtanto,
Na kahit ilang taon pa akong maghintay,
Handa ako.
Kahit hindi sigurado.
Ngunit para sa ikatatahimik ko,
Tatanggapin na ang katotohanan,
Na hindi talaga maaari.
Hindi tayo maaari.
No comments:
Post a Comment