Published by: Aliyah Margareth Imbat
Date Published: February 14, 2023
Time Published: 11:55 AM
Kategorya: Tula
Tema: Hiwagang dulot ng malinis na intensyon pag dating sa pag-ibig o usaping pagmamahal.
Libo-libong pyesa ang nabasa sa mahabang dekada.
Ewan kung baโt wala pa ring ideyaโt tila nagdududa.
Yanig ng dibdib aking nadama, sa hiwaga na iyong dala.
Aaminin ko, araw-araw kalagayan mo aking inaalala.
โNaka uwi ka na ba?โ ang laging tanong pag tapos ng ating pagkikita.
โNaka kain ka na ba?โ ang laging tanong tโwing malayoโt 'di nagkikita.
Ewan ko baโt tila mahiwagaโt paraisong dumuduyan.
๐๐ข๐ฎ๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ang libangan at pasilyo ang tugtugan.
Ewan ko ba kung tunay ang nararanasan.
Nananaginip lang baโt natutulog sa pansitan?
Nais kong malaman ang wastong kasagutan.
Ano ba ang tunay na dapat kong paniwalaan?
Kailangan kong malinawan sa mga kaganapan.
Ano ba ang motibo ng โyong nararamdaman?
Rinig ng aking puso ang kalinisan ng pakay.
Inaagaw ng isipan na sโya ring gumagabay.
Nararapat ba na sundin ang puso higit sa isipan?
Gumising akong may wastong kasagutan.
Aaminin ko, puso ang matimbang laban sa isipan.
Ligaya ko na itoโy matuklasanโ
Maligayang pusong nagmamahalan.
No comments:
Post a Comment