Published by: Marino Peralta
Date Published: September 28, 2023
Time Published: 8:00 am
Kategorya: Tula
Tema: Paglayo at pagsuko ng dalawang puso
Sabi sa siyensiya:
Kapag malapit ang isang bagay sa atin, umiinit ito.
Kapag naman lumalayo, ay siyang paglamig nito.
Doon ko napagtanto,
Distansiya lamang—
ang magwawakas ng ating pagtatagpo.
Isang pagkakataon.
Isang pagkakataon lamang ang hiniling ko sa 'yo;
Panahon at tiwala,
Upang mapatunayan,
Na mas higit ang nararamdaman ko,
Kaysa sa distansiya—
na siyang pumigil sa ating mga puso.
Subalit hindi pala sapat na mahal lamang kita,
Hindi naging sapat
ang panahon at tiwala upang ikaw ay kumapit.
Ang kuwento natin
ang patunay na palaging tama ang siyensiya:
Mas lumamig ang panahon,
kapag lumalawak ang distansya.
Tulad ngayon—
Ngayon, wala ka na.
No comments:
Post a Comment