Friday, September 29, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Hustisya ng Ekwalidad" Ni Gen Paris Masamayor

 


Published by: Ayanna Jeane Salmorin

Date Published: September 29, 2023

Time Published: 8:05 A.M


Kategorya: Tula

Tema: Ang ekwalidad sa pagitan ng katandaan at kabataan.


Musmos at walang alam,

Tanging kasiyahan lamang

Ang ramdam.


Laro roon, laro riyan.

Lasap na lasap ang

pagiging mangmang.


Tunay kang inosente;

Nakapalibot sayo ang

ignorante.


Kahit sila ang mas may alam;

Sila ang mas kumikilos ng

kahangalan.


Tila ba'y pinapalibutan 

Tayo ng kasamaan;

Sa kamay ng mas may alam.


Ang estado ko ay hindi pasado,

Sapagkat ako'y talo parati sa

Mga hurado—


Hurado na kaya kang sirain,

Hurado na kaya kang pasunurin,

Hurado na kaya kang hamakin.


Nasaan na ang ekwalidad?

Kung tama naman ang akin,

Bakit kailangan pang maging huwad?


Hindi ko gustong sumagot sa 

Iyong mga tanong.

Sapagkat, hindi ako nagmamarunong.


Ngunit, patuloy mo pa ring isinasaksak

Sa aking puso na ako ay isa lamang 

Hamak na kabataan.


Mali bang mabigyang hustisya ang 

Aking mga karapatan?

Bilang isang tao, hindi isang kabataan.

No comments:

Post a Comment