Published by: Marino Peralta
Date Published: September 25, 2023
Time Published: 2:30 pm
KATEGORYA: Prosa
Paksa: Pahinga, Paglimot
Bawat nilalang sa mundo ay nakakaramdam ng pagod. Katulad na lamang ng mga ibong namamahinga sa sanga ng punong kanilang napili— tulad ng ibong pagod ay nariyan ang mga taong nangangailangan din ng pahinga.
Bawat tao sa mundong ito ay mayroong sari-sariling dahilan ng kanilang pagkapagod at mayroon ding kanya-kanyang paraan upang ang pagod na ito'y maibsan. Iba't ibang pagod ang maaari nating maranasan na nakadepende sa sitwasyong ating kinalalagyan. Maaaring pagod ng katawan, isipan, o maaaring pagod buhat ng ating nararamdaman.
Ngunit kahit anong uri pa ng pagod ang ating maranasan, alam natin na mayroon tayong malalapitan upang doon ay mamahinga at kahit paulit-ulit na, para sa atin ay hindi ito nakakasawa. May ibang tao na ginagamit ang kanilang talento upang makatakas sa pagod.
Para sa akin naman ang isang tasang kape lang ay ayos na ayos na ako. Mainit man o malamig ay hindi na matutumbasan ang aking saya. Napapapikit sa taglay nitong aroma na mas nagpapasabik sa akin upang siya ay akin nang tikman. Mula sa pagtimpla pa lamang nito, ang isipan ko'y nagiging kalmado na. Mula sa pagtikim hanggang sa huling higop ang pagod ko'y paniguradong mawawala.
Ang πππ£π bilang pahinga ko ay: πapana-panabik kahit pa paulit-ulit, nagsisilbing πΌnestetiko na nagpapamanhid, upang ang pagod ko'y tuluyan nang hindi na madama, tila πandilig na sa akin ay nagbibigay sigla, at sobrang πspesyal na hindi ko maipagpapalit sa kahit ano.
Kaya, kung ang ibong pagod ay sa puno namamahinga, ako naman ay sa kape—kahit sa pinakasimple nitong timpla.
No comments:
Post a Comment