Wednesday, November 1, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Kaluluwa" by Ernst Aviel Valerio

Published by: Dianna Grace Carina
Date Published: November 01, 2023
Time Published: 1:38 PM

Kategorya: Tula
Tema: Pagnanasa at pagkawala

Panahon na ng mga kaluluwa; Nobyembre na,
Pero, ikaw parin ang hanap ko, sinta.

Hindi ka pa patay, pero nawawala ka,
Pagbalik mo'y inaantay, kaya't, nasaan ka na?

Parang kahapon lang, ay nagtatawanan tayo,
Ngayo'y limot ang isa't isa, mag-isa na naman ako.

Akala ko ba'y tatagal tayo hanggang dulo?
Pero bakit umalis ka sa ating inuupuang puno?

Ala-alang hindi mabura kahit gaano kadaming luha,
Na nilalabas ng aking asul na mata.

Huwag kang iiyak, mas bagay sayo'y nakangiti,
Kahit hindi na ako ang iyong pinili.

Wala ka man sa aking tabi, kaluluwa mo'y ramdam ko pa,
Pati boses mo, rinig ko parin, sinta.

Ako man ay mag-isang nagluluksa, mag-isang umaasa,
Hinding hindi ako bibitaw, aantayin pa rin kita.

No comments:

Post a Comment