Inilathala ni: Hannah Rondaris
Petsang Inilathala: Enero 1, 2024
Oras na inilathala: 7:10 AM
Kategorya: Tula
Tema: Nagugutom, nababalisa at naghahangad ng Hotdog
Mayroong mahaba—
mayroon ding maikli.
Iba't ibang kulay—
pula man o kayumanggi.
Malinamnam na tekstura,
'Kay sarap nguyain.
Kahit sunog—
ay pagtitiyagain.
Mas masarap—
Kapag mas malaki.
Sa lasa at katas,
Mas nakakawili.
Sobra-sobra ang sarap,
Makain lang,
Parang ako'y—
Dinala sa alapaap.
'sang ihip lang ang kailangan.
tanggal ang kagutuman—
pati rin ang kalungkutan,
kahit mula pa 'to sa inang bayan.
Isang kagat ay sulit na.
Pero, samahan ng itlog at ketsap—
Saktong-sakto,
Pang-ulam na.
Bilang isa hanggang sampu,
Ito'y nasa pang-apatnapu.
Presyo na dapat pang-masa,
pero minsan higit sa kwarenta?
Pagsubok ng buhay, binabato—
Mga panis na ulam,
Kasama rin ang adobo—
Pwedeng sabihin na, kaya ko ba 'to?
Mga bagay na ipinagkukumpara,
Isip at damdaming nagkakaiba,
pero ang aking kalamnan—
sayo lang iibig, mahaba at mapula.
Dibuho ni Kraysan Laura
No comments:
Post a Comment