Friday, February 23, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Lampara" ni Jerome Ald-j G. Arcega

 


Disenyo ni: Lyka Jhoi Soriano

Inilathala ni: Sarah B. Belamide

Petsang Inilathala: Pebrero 23, 2024

Oras na Inilathala: 9:10 AM


Kategorya: Tula

Tema: Lakas ng Katatagan at Pag-angat sa Buhay


Narito na ako sa tuktok.

Sadya nilang sinusubok,

Binibigay kanilang ibig at naisin.

Hindi, hindi ako mahirap mahalin.


Batid nilang tulad ko’y minsan lamang sa buhay dumaan.

Ilaw ay dungaw sa akin, kahit na narito tayo sa kadiliman.

Wala akong pakialam na makita ang galos mula sa labanan

Paliko o pa-ikot man ang daanan, buhay akong dinala diretso sa kinaroroonan.


Kaya ang kanilang mga mata’y nagmamatiyag,

Pinapanood ang kasaysayang aking itatatag.

Ito’y aking itataas mula simula at patuloy na di matitinag.

Wala nang pupuntahan pa, isang bituing nagliliwanag.


Isiping namumuhay sa kataas-taasang kastilyo.

Lumilipad ang damdamin bawat segundo,

Puso’y natatanaw ang payapa, malayo sa ingay at gulo.

Kung dumadaloy ang pagmamahal, aagos hanggang dulo.


Lampara, aking kumpas at mapa,

Sa t’wing nagtitila gamo-gamong nawawala.

Ilaw at butihing sandata,

Laban sa mga aninong bumubulong ng sala.


Patuloy na dumadaloy sa sariling halaga

Kampyon ngunit hindi kailangang humingi ng pagkilala.

Sa puso’t damdamin, buo at malaya,

Kapalaran ay wala sa iba, pusong mapagpala.


No comments:

Post a Comment