Thursday, February 29, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Sana'y iyong mapansin" ni Xuxa Angelu EΓ±osa


Inilathala ni: Daniel Joshua Madrid 
Petsang Inilathala: Pebrero 29, 2024
Oras na Inilathala: 2:45 PM

Kategorya: Tula
Tema: Paghanga na sana'y mapansin 

kahit nasa malayo;
natatanaw ka ng malabong mata ko.
imahinasyong nabuo,
na mapapansin mo rin
ang isang kagaya ko. 

sa likod ng kuwaderno,
nakasulat ang pangalan mo.
beshy, padaan na ang crush ko,
itulak mo ako—
kunwari'y sinadya mo. 

ang limang segundong pagtitig mo,
halos isipin ko...
na gusto mo rin ako.
ano bang panaginip ito? 

ilang papansin pa ba ang kailangan
upang mapansin ang aking nararamdaman?
dahil ang paghangang naramdaman,
umaasang ito'y iyong masuklian.

Disenyo ni Jessie Claire Gozun

No comments:

Post a Comment