Disenyo ni: Misha Mikylla Sanchez
Inilathala ni: Lean Miguel Tizon
Petsang Inilathala: March 18, 2024
Oras na Inilathala: 12:20 PM
Kategorya: Tula
Tema: Bangungot sa bawat gabi
Hindi ko alam—
kung bakit pa rin ako
patuloy na umaasa sa posibilidad
na ika’y babalik muli sa aking mga bisig.
Hindi ko kayang bitiwan ang ating nakaraan
na iyong ipinangakong hindi
mawawasak kailanman.
Sapagkat ito ay aking pinanghawakan
at nakaangkla pa rin sa aking puso’t isipan.
Sa tuwing sinusulyapan ko ang iyong mga mata,
alam kong wala ng pagmamahal na natitira
Marahil ay mayroon ng ibang
nananahan sa iyong kanlungan.
Sa bawat araw na lumilipas,
Mas lalong nagiging mahirap
na tiisin ang mga tanong na patuloy
na gumugulo sa bawat pagtulog.
Dinurog mo ang aking puso
at ang aking kaluluwa.
Kay hirap nang buoin muli,
ang aking nagpira-pirasong puso.
Hindi ko na kayang mabuhay pa
nang hindi ka kasama.
“Pa’no pa ako makakausad palayo
Kung sa ating nakaraan hindi ako makabitaw.” [1]
SANGGUNIAN:
[1]. 420 Soldierz. (2015, April 19). Salamin. π π°πΆππΆπ£π¦. https://m.youtube.com/watch?v=nldG8f4cuW4...

No comments:
Post a Comment