Larawan ni: Princes Nicole Cilo-cilo
Inilathala ni: John Kurt Gabriel Reyes
Petsang Inilathala: Marso 15, 2024
Oras na Inilathala: 11:24 AM
Kategorya: Tula
Tema: Pag-angat sa kababaihan
Arangkada Kababaihan,
baliin natin kung paano kayo'y iginuhit ng lipunan.
ipakita ang tunay na kakayahan.
Ipamalas hindi lamang ang kagandahan,
kundi pati na rin ang talento't husay
sa iba't-ibang larangan.
Hindi sila mahina,
patuloy ang kanilang pakikidigma.
Sa bawat dako ng mundo, liwanag nila'y makikita.
Sa bawat pahina ng kasaysayan, makikita kanilang mga pangalan.
Gamit ang lipistik na pula,
at kulay rosas na bistida't palda,
mga pangarap at layunin kanilang tutuklasin,
Sila'y hindi magpapatinag, sa hamon sila'y lalaban at babangon.
No comments:
Post a Comment