Disenyo ni: Jessie Claire Gozun
Inilathala ni: Rose Ann Gatdula
Petsang Inilathala: March 9, 2024
Oras na Inilathala: 10:52 AM
Kategorya: Tula
Tema: Panimdim sa nabigong pagmamahalan
Sa pag-ibig ay natutong sumugal.
Ngunit tayo'y sumubok, nabigo at napanghal.
Dating inaakalang totoong pagmamahal—
Ngayo'y magagamit na lang bilang isang aral.
Tinuruan mo akong unahin ka,
Maya't-maya ay inaalala ka.
Kung ayos ka lang ba at ako'y natataranta—
Tila nawawala sa wisyo sa pag-aalala.
Naging matigas ang puso;
Nabalot ng pagkatakot na muling masaktan mo,
Kung dati ay abot ngiti ang kagalakan na dala mo,
Pakiwari ko ngayo'y hinanakit at pasusumamo.
Kung kaya ko lamang pigilin ang nararamdaman,
Ayaw na kita makita o makausap kailanman
Dulot ay pighati sa tuwing ika'y masusulyapan,
Naging siyang dahilan sa mga matang ayaw tumahan.
Hindi man lang makatulog nang maayos;
Ang pagkain sa hapag ay hindi maubos,
Pinagdarasal na sana magkaroon ng kapayapaan,
naging mitsa ito upang ang sarili ay mapabayaan.
Tila isang sundalong sasabak sa gyera.
Umaasang muli sana'y makausad.
Nawa ay kalakasan sa hinanakit ay umubra
Ang kamay mo'y mabitiwan nang banayad.

No comments:
Post a Comment