Saturday, March 9, 2024

𝗣𝗔𝗡𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗡: ''Muling Pagsibol'' ni Francis Arman Mesa


 

Disenyo ni: Chrisian Jaira Barles

Inilathala ni: Hannah Lorenzo

Petsang Inilathala: Marso 9, 2024

Oras na Inilathala: 8:13 am

Kategorya: Tula
Tema: Pag-asa at liwanag sa pagsubok na hinaharap.

Isang malamig na gabing puno ng puot,
walang kumot, kaya ang yumakap ay lungkot.
Bumuhos ang malakas na ulan,
kasabay nang pagpatak ng mga luha sa aking unan.

Sa gitna ng malamig na gabi, ako'y naglalakbay,
Hinahanap ang liwanag sa gitna ng madilim na daan.
At sa bawat pagdampi ng hangin at pagpatak ng ulan,
Ang pag-asa'y kumakaway, nagbibigay nang kagalakan.

Kinabukasan, liwanag ay tiyak na sisikat.
Kahit nag-iisa, sa gitna ng pagkakasalat,
May lihim na tinig ang nagtutukak na ako'y magpatuloy na lumipad at mangarap.
Ako'y magtitiwala, sa gitna ng dilim, patungo sa liwanag.

No comments:

Post a Comment