Inilathala ni: Marino Peralta
Petsang Inilathala: Marso 8, 2024
Oras na Inilathala: 12:00 PM
Kategorya: Tula
Tema: Pag-ibig, Reyalidad, at Epekto ng karanasan sa pagsulat ng isang akda.
Tayo na't maglakbay sa mundong ako ang magtatakda,
kung ang dalawang tauhan ay magkikita.
At ang mga titik na sa puso ko'y nagmula,
sa kabanata tatlo itatala.
Mga istoryang nabuo gamit ang mga salita,
mga ideyang sa utak at damdamin nagmula.
Pag-ibig na ako ang may gawa,
at ako ang nagtakda.
Masaya kong inilarawan ang kanilang pagmamahalan.
Isinulat kong sa ilalim ng tala't sinag ng buwan, sila'y nagtapat ng nararamdaman.
Malapit ko nang matapos ang kabanata tatlo,
ang kamay ni Julia ay hiningi na ni Julio.
Sa puntong ito ng istoryang binubuo ko,
kailangan na ng wakas nito.
Dalawa lang ang pagpipilian ko,
tatapusin ko ba nang masaya sila,
o tatapusin ko ang isa sa kanila.
At dahil ako ang sumulat ng kwento,
hindi masaya ang wakas.
Dahil 'yon ang idinidikta ng puso ko,
na hangga't 'di ako nakakahanap ng pag-ibig na gaya ng aking nakikita't nababasa.

No comments:
Post a Comment