Monday, May 13, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Paalam, Sa Dating Minahal" ni Ashlyn Regado


Disenyo ni: Princess Almira Reyes

Inilathala ni: Ellen Clare Carballo

Petsang Inilathala: Mayo 13, 2024

Oras na Inilathala: 3:45 PM


Kategorya: Tula

Tema: Pagkatapos ng nasirang pagmamahalan


Kailan nagsimulang maging basura
Ang dating bagay na mahalaga?
Paano naging kulang ang sobra
At ang dating buo ay nawasak at nasira?

Ang himig na nagbibigay noon ng saya—
Ngayon ay nakakawala na ng sigla,
Ang iyong halimuyak na nagpapahiwatig ng pag aari at pagsinta—
Ngayo'y nakakapagbigay na ng hilo at panghihina

Ang iyong pagsuyo sakin ang naghatid sa kalaliman,
Ngunit sa halip na malunod, ako'y natutong sumisid.
Ang matutuhang lumayo paaalis sayo ang pinakamaganda at pinakamasakit na pagsalba ko sa sarili,
Upang ang paglunas sa sarili ay mapaglaanan

Marahil ganito talaga ang kahihinatnan—
Lalo na at alam kong hindi ka naging akin kailanman
Masyado akong nagpa-alwan sa iyong tabi,
Na hindi ko namalayang aalis ka rin sa aking panig nang walang pasintabi

No comments:

Post a Comment