Wednesday, August 7, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "MARAHIL" ni Lovely RevaΓ±o


Dibuho ni: Jowena Decena

Ipinaskil ni: Michelle Piquero

Petsang Inilathala: Agosto 8, 2024

Oras na Inilathala: 9:30 AM


Kategorya: Tula

Paksa: Kawalan ng Indibidwalidad


Sanay na ako sa tira-tira,

na tinatanggap ko kung ano

ang nandiyan pa.


Siguro, wala na lamang 

sa akin ang masasakit na salita.

Hangga't naririyan ka, kaya kong

yakapin kahit nakalulunod

at nakasusulasok na.


Kung kaya't nang nagpaalam ka,

hinayaan na lamang kita.

Marahil alam kong—

habang iniibig kita

at iniibig mo ako,

naubos na tayo.


Marahil wala na—

Wala na tayong maibibigay pa.





No comments:

Post a Comment