Saturday, September 21, 2024

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗛𝗔𝗠: "Bulkan Kanlaon, nagpapakita ng dagdag na aktibidad" ni Matthew Hermoso Baluca


Inilathala ni: Aprilyn Sado

Petsang Inilathala: Setyembre 21, 2024

Oras na Inilathala: 1:26 PM


Kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng 𝘷𝘰𝘭𝘤𝘢𝘯𝘪𝘤 𝘦𝘢𝘳𝘵𝘩𝘲𝘶𝘢𝘬𝘦𝘴 sa Bulkang Kanlaon matapos itong maglabas ng 𝘢𝘷𝘦𝘳𝘢𝘨𝘦 na 11,566 na tonelada ng 𝘴𝘶𝘭𝘧𝘶𝘳 𝘥𝘪𝘰𝘹𝘪𝘥𝘦 (SO₂) kada araw ayon sa ulat ng 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦 𝘐𝘯𝘴𝘵𝘪𝘵𝘶𝘵𝘦 𝘰𝘧 𝘝𝘰𝘭𝘤𝘢𝘯𝘰𝘭𝘰𝘨𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘦𝘪𝘴𝘮𝘰𝘭𝘰𝘨𝘺 (PHIVOLCS) noong Miyerkules, Setyembre 11, 2024.

Tatlong buwan lamang matapos ang pagsabog nito noong Hunyo, nakita ng PHIVOLCS ang pagtaas ng 𝘴𝘦𝘪𝘴𝘮𝘪𝘤 na aktibidad sa bulkan sa Isla ng Negros noong Setyembre 9. Nagbabala ang mga 𝘴𝘦𝘪𝘴𝘮𝘰𝘭𝘰𝘨𝘪𝘴𝘵 ng estado na bagamat nasa 𝘈𝘭𝘦𝘳𝘵 𝘓𝘦𝘷𝘦𝘭 2 na ang Kanlaon, ang sunod-sunod na pagyanig ng bulkan ay maaaring magdulot ng panibagong pagsabog.

Ayon kay PHIVOLCS Chief Teresito Bacolcol, “Ang ibig sabihin po nito ay maaaring may magma na umaakyat o umaangat at binabasag ang mga bato kaya po nagkakaroon po tayo ng paglindol."

Samantala, bumaba ang SO₂ 𝘦𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴 ng Bulkang Kanlaon mula 10,880 tonelada noong Setyembre 12 hanggang 5,362 tonelada noong Miyerkules. Ini-ulat ng PHIVOLCS na ang istraktura ng bulkan ay nananatiling aktibo. Ang bulkan ay maaaring makatagpo ng 𝘱𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘤 o 𝘴𝘵𝘦𝘢𝘮-𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦𝘯 na pagsabog na nangyayari nang biglaan.

Ini-ulat din ng PHIVOLCS ang 𝘢𝘷𝘦𝘳𝘢𝘨𝘦 na 5,083 tonelada ng SO₂ 𝘦𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 sa Kanlaon. Ito ang pangalawa sa pinakamataas na awtput mula sa bulkan ngayong taon at ang pangatlo sa pinakamataas mula nang magsimula ang instrumental 𝘨𝘢𝘴 𝘮𝘰𝘯𝘪𝘵𝘰𝘳𝘪𝘯𝘨.

Iginiit ng PHIVOLCS na ngayong taon, ang Kanlaon ay nag-de-𝘥𝘦𝘨𝘢𝘴 ng mas mataas na dami ng volcanic SO₂, na nasa 𝘢𝘷𝘦𝘳𝘢𝘨𝘦 na 1,273 na tonelada bawat araw bago ang pagsabog noong Hunyo 3. Mula noon, tumaas ang mga emisyon, na may 𝘢𝘷𝘦𝘳𝘢𝘨𝘦 na 3,254 na tonelada bawat araw, na karaniwang naglalabas ng 300 tonelada ng 𝘷𝘰𝘭𝘤𝘢𝘯𝘪𝘤 SO₂ gas.

Kahit na walang direktang banta ng isang sakuna na pagsabog, ang sitwasyon ay mahigpit na sinusubaybayan dahil kahit maliit na pagsabog ay maaaring maglagay sa lokal na populasyon sa panganib.

Ayon sa pahayag na inilabas ng PHIVOLCS nitong Huwebes, ang bilang ng araw-araw na 𝘷𝘰𝘭𝘤𝘢𝘯𝘪𝘤 𝘦𝘢𝘳𝘵𝘩𝘲𝘶𝘢𝘬𝘦𝘴 sa Bulkan ng Kanlaon ay tumaas sa 30 noong Setyembre 18, Miyerkules.

Hinimok ng PHIVOLCS ang mga naapektuhang residente na takpan ang kanilang bibig at ilong ng malinis at basang tuwalya o mask sa takipsilim. Iminungkahi rin ang paglikas ng ilang naninirahan sa mga apektadong barangay.

Mahigpit na pinapayuhan ang publiko na maging mapagbantay at iwasan ang pagpasok sa apat (4) kilometrong 𝘳𝘢𝘥𝘪𝘶𝘴 ng 𝘗𝘦𝘳𝘮𝘢𝘯𝘦𝘯𝘵 𝘋𝘢𝘯𝘨𝘦𝘳 𝘡𝘰𝘯𝘦 (PDZ) upang mabawasan ang mga panganib mula sa mga 𝘩𝘢𝘻𝘢𝘳𝘥 ng bulkan tulad ng 𝘗𝘺𝘳𝘰𝘤𝘭𝘢𝘴𝘵𝘪𝘤 𝘋𝘦𝘯𝘴𝘪𝘵𝘺 𝘊𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘵𝘴, 𝘉𝘢𝘭𝘭𝘪𝘴𝘵𝘪𝘤 𝘗𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵𝘪𝘭𝘦𝘴, 𝘙𝘰𝘤𝘬𝘧𝘢𝘭𝘭, at iba pa.

MGA SANGGUNIAN:
[1] GMA INTEGRATED NEWS (2024, Setyembre 11) Kanlaon Volcano logs 11k tons of gas emission —
https://www.gmanetwork.com/.../kanlaon-volcano.../story/

[2] GMA INTEGRATED NEWS (2024, Setyembre 19) Kanlaon Volcano's Daily volcanic earthquakes increased to 30 — PHIVOLCS https://www.gmanetwork.com/.../kanlaon-volcano-s.../story/

[3] Bayoran, G. P. (2024, Hulyo 3) Kanlaon Volcano emissions peak again — The Visayan Daily Star
https://visayandailystar.com/kanlaon-volcano-emissions.../

[4] Relief Web (2024, Setyembre 19) DSWD Dromic report #50 on Kanlaon Volcano Eruption as of 19 Setyembre 2024, 6am — https://reliefweb.int/.../dswd-dromic-report-50-kanlaon...

No comments:

Post a Comment