Dibuho ni: Eduardo Jhulo Caรฑeso
Inilathala ni: Jean Ashley Lugod
Petsang Inilathala: Setyembre 23, 2024
Oras na Inilathala: 7:20 AM
Ang isang isyu na ilang beses nang napatunayan sa ating bansa ay ang pagkakaroon ng “special treatment” sa pag-aresto, kung saan ang mga kilala o makapangyarihang tao ay madalas na nabibigyan ng magandang pakikitungo, pabor, at pribilehiyo kumpara sa mga ordinaryong mamamayan. Matagal nang nangyayari ang tinatawag na “special treatment,” at dahil dito, nagdudulot ito ng pagkawala ng tiwala ng mga tao sa sistema ng ating bansa.
Kamakailan lamang, inaresto ng mga awtoridad ang dating alkalde ng Bamban na si Alice Guo na nahaharap sa mga kasong ๐จ๐ณ๐ข๐ง๐ต at korupsyon sa Indonesia noong Miyerkules, Setyembre 4 [1]. Kung ating gagamitin ang ating isip at susuriin nang mabuti ang kaniyang sitwasyon, makikita natin na may mali rito. Gayunpaman, bakit tila nagkaroon ng tinatawag na “selective justice” at iba ang pakikitungo ng mga awtoridad at ng publiko kay Guo kumpara sa kung paano tinatrato, inaaresto, at binibigyang pabor ang mga aktibista at ordinaryong mamamayan sa ating bansa?
Alam nating lahat na hindi patas at bulok ang sistema ng hustisya sa Pilipinas. Sa kabila ng kaniyang pagkakakulong, masasabing iba ang trato at akto ni Alice Guo. Matapos siyang arestuhin, kumalat ang kaniyang mga nakababahalang litrato na tinaguriang “celebrity selfies." Makikita sa isa sa mga larawan si Guo na abot-langit ang ngiti habang naka “peace sign” sa isang ๐ญ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐จ๐ฆ kasama ang mga mataas na opisyal na sina ๐๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ฐ๐ณ ๐๐ฆ๐ค๐ณ๐ฆ๐ต๐ข๐ณ๐บ Benhur Abalos at ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ค๐ฆ (๐๐๐) ๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐ง Rommel Francisco Marbil. Ang isa naman ay sa loob ng isang sasakyan habang si Guo ay nakangiti kasama ang mga ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐ถ๐ณ๐ฆ๐ข๐ถ ๐ฐ๐ง ๐๐ฏ๐ท๐ฆ๐ด๐ต๐ช๐จ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ at ๐๐ถ๐ณ๐ฆ๐ข๐ถ ๐ฐ๐ง ๐๐ฎ๐ฎ๐ช๐จ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ [2]. Ang mga larawang ito ay higit pa sa isang ๐ด๐ฆ๐ญ๐ง๐ช๐ฆ, dahil ito ay sumasalamin sa bulok na sistema at kakulangan ng hustisya sa ating bansa. Ang mga larawan na ito ay pasilip kung ano talaga ang nangyayari sa likod ng kamera. Paano nila makukuha ang tiwala at simpatya ng tao para sa isang patas at makatarungan na sistema ng hustisya kung iba naman ang ipinapahiwatig ng mga litrato ni Alice Guo? Dahil sa pagkakaroon ng "bias" at korupsyon, mawawala ang tiwala ng tao sa sistema ng Pilipinas.
Ang isang "most wanted" na tao ay dapat nakaposas at tinatakpan ang mukha gamit ang tela. Subalit, kabaligtaran ang nangyari noong siya ay inaresto. Sinundo siya ng isang "private jet" ng wala man lang kahit posas dahil ayon kay Guo, nakatanggap siya ng mga "death threat” [3]. Gayunpaman, kung ito'y totoo, paano niya nagagawang mag-pose, ngumiti, kumindat, at umaktong parang artista sa harap ng kamera? Walang makikitang pagsisi o kahit ekspresyon ng takot, sa halip, bakas ang saya sa kaniyang mukha. Pagtakas paalis ng bansa ang ginawa, ngunit sa pagtrato sa kanya, parang wala siyang ginawang sala.
Masasabing malaki ang diperensiya kung ikukumpara ito sa mga pag-aresto sa mga aktibistang puntirya ang gobyerno. Isang halimbawa nito ay ang mga kabataang “environmental activist” na sina Jonila Casto at Jhed Tamano. Ang mga kabataang ito ay sapilitang dinukot at pinagbantaan ang kanilang buhay noong sila ay inaresto [4]. Hindi sila kusang sumuko, sa halip, dinukot sila, hinuli nang walang makatarungang proseso, at tinrato na parang sila ay mga kriminal na may malaking kasalanan. Ang ganitong pakikitungo sa mga indibidwal ay nagpapakita at nagpapatunay ng hindi makatarungang sistema sa Pilipinas. Ang mga aktibista na may malasakit sa ating kapaligiran ay hindi dapat tinatrato ng ganito—na parang ang kanilang kasalanan ay kasing bigat ng pagpaslang sa tao o pagnanakaw sa pondo ng bansa. Ang mga ganitong kaso ay nagpapatindi lamang sa patuloy na umiiral na “unfair treatment” at “selective justice,” na nagdudulot ng "bias" at korupsiyon sa bansa.
Nangyari na ito noon at nangyayari pa rin hanggang ngayon. Nakakalungkot isipin, ngunit malupit na katotohana'y kailangan nating tanggapin, tugunan at lutasin. Kung patas ang lahat, hindi magiging bulok o korap ang ating sistema. Sikapin nating maging makatarungan at huwag nating kalimutan na si Guo ay isang pugante na tumakas paalis ng ating bansa at hindi isang ๐๐๐ o bayani. Huwag tayong maging bingi at bulag sa mga nangyayari sa ating paligid. Kung may makita tayong mali sa sistema ng ating bansa, buksan natin ang ating mga mata at huwag tayong matakot na magsalita. Magsilbi tayong boses para sa mga inaapi at sama-sama tayong lumaban tungo sa isang makatarungan at patas na bayan.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Pachico a. Seares, & Pachico a. Seares. (2024, September 8. Top of the Week: Ex-mayor Alice Guo’s back in country after arrest in Indonesia but where’s Pastor Apollo Quiboloy? In heaven, says VP Sara, ‘he he.’ Wait, they just caught the elusive pastor. SunStar Publishing Inc. https://www.sunstar.com.ph/.../top-of-the-week-ex-mayor...
[2] Aurelio, J. L. J. M. (2024, September 7). Alice Guo ‘celebrity’ selfies spark outrage. INQUIRER.net. https://globalnation.inquirer.net/.../alice-guo-celebrity...
[3] Tolentino, A. J., & Tolentino, A. J. (2024, September 8. Flying in style! Alice Guo returns to PH in private jet owned by bilyonaryo miners. Bilyonaryo Business News -. https://bilyonaryo.com/.../flying-in-style.../business/
[4] Relativo, J. (2023, September 19). 2 environmental activists sinopla militar: “Dinukot nila kami, hindi kami sumuko.” Philstar.com. https://www.philstar.com/.../2-environmental-activists...
No comments:
Post a Comment