Thursday, September 26, 2024

π—žπ—’π—Ÿπ—¨π— : "Sapat ang Bawas sa Polidong Gobyerno" ni Shekainnah Gwyneth Guron

 


Dibuho ni: Kristan Jairus Samudio

Inilathala ni: Michelle Piquero

Petsang Inilathala: Setyembre 26, 2024

Oras na Inilathala: 8:42 AM


Mas mabuting bigyang pansin at gastusan ang mga bagay na siguradong mapapakinabangan ng bayan kaysa sa mga proyektong walang kasiguraduhan.


Nirekomenda ng house of representative committee na bawasan ang proposed budget ng Office of the Vice President mula P2 Billion ay magiging P733.198 million na lamang para sa darating na taong 2025 [1]. Ang nasabing posibleng pagbawas ay nararapat lamang sapagkat matapos ang ilang isyu ng OVP sa mga hiniling nilang budget noon ay hindi na sila gano'n kadaling pagkatiwalaan muli pagdating sa tamang paggagastusan ng budget na ibinibigay sa kanila.


Noong 2022, nagkaroon ng isyu ang OVP tungkol sa ginastos na P125 million sa loob lamang ng 11 araw [2] at doon pa lamang ay kakikitaan na ang OVP ng kawalan ng disiplina sa paggastos ng pera ng bayan dahil sino ba naman ang mayroong tamang plano para sa paggagamitan ng ganoong kalaking funds ang kayang gastusin iyon sa loob lamang ng 11 araw?


Ngunit bilang dipensa rito ng bise presidente, kaniyang ipinahayag sa isang interview na hindi nila ginastos sa maling paraan ang na sabing confidential funds [3]. Ngunit kahit anong dipensa ng bise presidente rito, hindi pa rin naramdaman ng taong bayan ang pinaggastusan ng nasabing funds. Kahit sabihin na ito ay confidential, may dapat pa ring makita ang mga Pilipino na pinaggastusan nito kung talagang sa tamang paraan ito winaladas.


Bukod pa rito, humiling din ang OVP ng P10 million funds para sa publication ng self-authored children’s book ng bise presidente na may pamagat na “Isang Kaibigan” [4]. Hindi karapat-dapat bigyan ng pondo ang nasabing children’s book dahil ito ay nakitaan ng maraming mali sa gramatika. Ang mga maling ito ay maaaring magresulta ng negatibo sa reading comprehension ng mga bata at maaari din maapektuhan nito ang kakayahan ng isang bata na sumulat ng pangungusap sa wikang tagalog sa tamang pamamaraan. Karagdagan pa rito, hindi rin nakamit ng libro ang mga pamantayan ng isang children’s book kaya naman ay hindi na dapat ito bigyan pa ng pondo para mailabas sa publiko.


Ang mga isyung ito ng OVP ay sapat nang rason para bawasan ang kanilang hinihiling na budget para sa darating na taong 2025 para sa kanilang mga proyektong plinano para sa mga Pilipino. At gaya na lamang ng mga pamilyang pilipino na naghihirap ngunit nakakaraos kahit bawas ang kanilang budget pang-araw-araw, siguradong makakayanan pa rin ng OVP na pagkasyahin ang budget na P733.198 million para sa kanilang mga proyekto sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi rin sigurado kung saang proyekto gagamitin ng OVP ang budget na kanilang hinihiling kaya naman mahirap muling ipagkatiwala ang pera ng bayan sa proyektong hindi naman sigurado kung kanila itong mapapakinabangan. Hindi rin gugustuhin ng mga mamamayan na bigyan ng buong pondo ang politikong minsan nang sinira ang kanilang tiwala pagdating sa pagwaldas ng pera ng bayan.


Para naman sa pupuntahan ng kinaltas na budget sa hinihiling na funds ng gobyerno, dapat lang na mapunta ito sa ibang government agencies gaya na lamang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mas lalo pang matulungan ang mga mamamayang Pilipino na umaasa sa 4p’s ng DSWD at sa Department of Health (DOH) para mas mabigyang pansin at maisaayos ang mga libreng serbisyong kanilang ibinibigay para sa kalusugan ng mga mamamayang pilipino. Maaari din maging daan ang pagkaltas sa proposed budget ng OVP para makapagbigay ilaw ito sa mga proyektong mas karapat-dapat bigyang pansin at talagang siguradong makakatulong sa bayan gaya nalamang ng pagpapagawa ng mga maayos na pabahay para sa mga Pilipinong nakatira sa mga lugar na hindi makabubuti sa kanilang araw-araw na pamumuhay at kalusugan o hindi kaya ay kahit man lang sana ay pagpapatayo ng mga feeding facilities para sa mga matatanda at batang pagala-gala sa kalye.


Kung mayroon ding sapat na kaalaman ang gobyerno sa kung ano ang mas kinakailangan ng mga Pilipino, hindi sila mahihirapan sa pagkilatis ng mga proyektong dapat nilang bigyan ng buong pondo. Kung tutuusin, marami pang ibang bagay ang pwede paggamitan ng pondo na ikakaltas sa hiniling na budget ng OVP kaya naman ‘wag sana magpokus ang gobyerno sa pagbibigay ng budget sa mga bagay o proyekto na walang kasiguraduhan kung makikita o mapapakinabangan man lang ba ito ng mga nangangailangang Pilipino.


MGA SANGGUNIAN:

[1] Agrosino, F. (2024, September 12). OVP budget cut from P2 billion to P733 million by House panel | Inquirer Net

https://newsinfo.inquirer.net/.../ovp-budget-cut.../amp


[2] Crisostomo, S. (2023, September 26). OVP spent P125 million confidential funds in 11 days. Philstar.com

https://www.philstar.com/.../ovp-spent-p125-million.../amp/


[3] Lacuata, R. C. (2024, September 3). VP Duterte says no misuse of OVP confidential funds. ABS-CBN News

https://news.abs-cbn.com/.../vp-duterte-says-no-misuse-of...


[4] Mateo, J. (2024, August 22). Sara’s book plagiarized? Risa to block P10 million budget. Philstar.com

https://www.philstar.com/.../saras-book-plagiarized.../amp/



No comments:

Post a Comment