Tuesday, October 1, 2024

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Hiyas ng Sining at Kultura: Nagtapos ang Buwan ng Wika 2024 patimpalak ng JHS" ni Justine Louis De Guia

 

 
Inilathala ni: Haniyah Macadaag

Petsang Inilathala: Setyembre 24, 2024

Oras na Inilathala: 4: 54 PM


Nagtapos ang patimpalak ng Buwan ng Wika 2024 na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya" ng Junior High School (JHS) departamento, kung saan nagpakita ang mga estudyante ng kanilang mga talento sa pagtatanghal, at ginanap sa DVA na himnasyo ang pagbibigay ng medalya at parangal noong ika-9 at ika-16 ng Setyembre.


Sa panayam ng Ang Aleta, ibinahagi ni G. Jude Etralo Navarro, isa sa mga punong tagapag-ayos, ang kanyang kasiyahan sa matagumpay na pagbabalik ng mga mag-aaral sa entablado matapos ang pandemya, "Natutuwa ako at talaga namang nakakataba ng puso na makalipas ang ilang taong pamamalagi sa tahanan dahil sa pandemya, ay muling nakapagtanghal ang mga mag-aaral sa entablado ng ating inang paaralan, ang Institusyon ng Lyceum of Alabang," pahayag ni Navarro.


Bagaman hindi naging madali ang pagdiriwang dahil sa mga aberyang dulot ng suspensyon ng face-to-face na klase noong pandemya, binigyang-diin ni Navarro ang buong pusong pagpapamalas ng talento ng mga estudyante at ang suportang natanggap ng bawat isa.


Sa patimpalak, nagwagi ang ika-10 na baitang Athena sa Pagdidisenyo ng Buletin, sinundan ng ika-9 na baitang Poseidon at ika-9 na baitang Zeus. Sa Balagtasan, ang kampeon ay ika-9 na baitang ika-9 na baitang Ares, habang pumangalawa ang ika-10 na baitang Athena at pangatlo ang ika-9 na baitang Poseidon.


Sa Pagtatanghal ng Monologo, muling naghari ang ika-9 na baitang Ares bilang kampeon, kasunod ang ika-10 na baitang Aphrodite bilang pangalawa at ika-9 na baitang Poseidon sa pangatlo.


Nagpakitang gilas naman ang ika-8 na baitang Hestia sa Pagbigkas ng Tula, na sinundan ng ika-8 na baitang Demeter at ika-7 na baitang Gaia. Sa Isahang Pag-awit, nakuha ng ika-8 na baitang Hera ang kampeonato, kasunod ang ika-8 na baitang Demeter at ika-8 na baitang Hestia.


Sa Malikhaing Pagsayaw, ang ika-10 na baitang Athena ang kinoronahang kampeon, samantalang pumangalawa ang ika-8 na baitang Artemis at pangatlo ang ika-9 na baitang Ares.


Sa kategoryang Katutubong Sayaw, ang ika-8 na baitang Demeter ang nagkampeon, kasunod ang ika-8 na baitang Hera bilang pangalawa at ika-7 na baitang Iris bilang pangatlo.


Muling pinatunayan ng mga estudyante ang kanilang husay at talento, na nagbibigay-pugay sa wikang Filipino bilang wikang mapagpalaya.



No comments:

Post a Comment