Disenyo ni: Cianyah Mendoza
Inilathala ni: Michelle Piquero
Petsang Inilathala: Oktubre 10, 2024
Oras na Inilathala: 12:38 PM
Kategorya: Tula
Tema: Pag-usad mula sa nakaraan
Hindi ko na maamoy ang samyo ng iyong pabango,
Hindi ko na matandaan ang paboritong kulay mo.
Hindi na matandaan ang mga winika mo,
Hindi na tanda ang mga ipinangako mo.
Marahilβmarahil ay nakakausad na.
Proseso'y mabagal ngunit sa wakas ay may pagbabago na.
Wala naman sa sapantaha ko ang limutin ka,
Sadyang susi sa hawla wari'y naapuhap na.
Kapag naala-ala ka ay mabigat pa rin,
Ngunit minsan ay namamanhid din.
Batid koβkahit na ano pa ang gawin ko,
Dadaan muli ang mga araw na parang naliligawβnawawala na naman ako.
Gano'n pa ma'y hindi ako mawawalan ng pag-asa,
Na maaring sa wakasβlahat ay gagaan at tuluyan ngang makakalaya na.
No comments:
Post a Comment