Disenyo ni: Jewell Ann Calingasan
Inilathala ni: Marino Peralta
Petsang Inilathala: Nobyembre 22, 2024
Oras na Inilathala: 2:30 PM
Isang duet remix ng “White Christmas” ni Bing Crosby kasama ang myembro ng BTS na si V ang ilalabas sa ika-6 ng Disyembre ng 1pm ayon sa inanunsyo ng BigHit Entertainment.
Ayon sa naging napagkasunduan ng BigHit sa Bing Crosby Estate, Primary Wave Music, at Geffen Records, idineklara nila ang proyektong ito bilang isang “era-bridging” na kolaborasyon sa isang pamaskong awitin dahil sa malaking puwang sa henerasyong napagbuhayan ng dalawang global icon.
“I’m so grateful to have had the chance to be featured in a song with my all-time favorite jazz artist, Bing Crosby,” ani ni V ukol sa awitin.
Naibanggit rin ni V ang kanta ni Crosby na “It's Beginning To Look A Lot Like Christmas” at kung paano siya lumaking laging napapakinggan ang awiting ito.
Bukod dito, inamin niyang isa siyang malaking taga-hanga ni Crosby, kung kayaΚΌt tinuturing niyang isang karangalan ang makasama sa gagawing duet.
“Being a huge fan of his, I sang with the utmost sincerity and admiration for him, and I hope many people enjoy it as much as I enjoyed singing it. Lastly, I wish a lovely holiday season to everyone listening to the song,” dagdag ni V.
Nagkaroon din ng panayam ang mga anak ng yumaong mang-aawit na si Mary Crosby at Harry Crosby tungkol sa magiging kolaborasyon ni V at ng kanyang ama.
Ayon kay Mary, nasasabik na sila sa magiging kahihinatnan ng panibagong duet dahil sa pagsali ni V sa awitin. Maganda rin daw ang pagsasama ng boses niya at ng kanyang ama, na siyang kuhang-kuha ang diwa ng kapaskuhan sa pinakamahusay na paraan.
Karagdagan dito, dugtong ni Harry na masaya raw silang sasama si V sa pagkalat ng kasiyahan ng “timeless Christmas song” na ito.
Unang ginawa ang awiting para sa pelikulang ‘Holiday Inn’ noong 1942 bago ang malaking pagtampok dito sa 1952 na pelikulang ‘White Christmas’. Matapos nito ay kinilala ang pamaskong awiting ito bilang bestselling single of all time ni Crosby.
Nabuo ang Billboards Hot 100 noong 1958, kung kaya't nakalipas na ang 16 na taon nang mailabas ang kantang ito. Gayunpaman, nagawa ng ‘White Christmas’ single na makapasok sa charts sa parehong taon noong Disyembre.
Bagaman maglalabas ng bagong remix si V ngayong Pasko, hindi pa natatapos ang kanyang enlistment sa militar ng South Korea at patuloy sa kanyang serbisyo.
Si Kim Tae-hyung o mas kilala bilang si V ng BTS sa K-pop ay tanyag sa buong mundo dahil sa partisipasyon niya sa mga naging sikat na awit ng grupo niya tulad ng “Idol”, “Boy With Luv”, “Dynamite”, at iba pa. Bukod dito ay kilala rin ang kanyang mga kanta bilang isang solo artist. Iilan na rito ang kanyang “Love Me Again”, “FRI(END)S”, at “Slow Dancing.”
Si Bing Crosby naman ay isang tanyag na Amerikanong mang-aawit, aktor, prodyuser, personalidad, at negosyante. Isa si Crosby sa mga pinakakilala at maimpluwensiyang tauhan sa larangan ng musika noong ika-20 na siglo. Nakagawa siya ng higit sa 70 na feature films at nakapag-record ng 1600+ na awitin.
MGA SANGGUNIAN:
[1] GMA Integrated News. (2024, November 7). V of BTS to release cover of 'White Christmas' with Bing Crosby. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/hobbiesandactivities/926251/v-of-bts-to-release-cover-of-white-istmas-with-bing-crosby/story/
[2] Dailey, H. (2024, November 6). V of BTS to Release ‘Era-Bridging’ Remix of ‘White Christmas’ With Bing Crosby. Billboard. https://www.billboard.com/music/music-news/bts-v-bing-crosby-white-christmas-duet-coming-1235821369/
[3] King, A. (2024, November 6). Bing Crosby’s ‘White Christmas’ Is Now a Duet with BTS’ V. Digital Music News. https://www.digitalmusicnews.com/2024/11/06/bing-crosbys-white-christmas-is-now-a-duet-with-bts-v/
[4] Spotify. (n.d.) V. https://open.spotify.com/artist/3JsHnjpbhX4SnySpvpa9DK?si=UCsNlphDSE2R9GLUfCzH0Q
[5] Spotify. (n.d.) BTS. https://open.spotify.com/artist/3Nrfpe0tUJi4K4DXYWgMUX?si=tiLpgD9gQJWXenOugAtBlA
[6] Wikipedia. (n.d.) Bing Crosby. https://en.m.wikipedia.org/wiki/Bing_Crosby
No comments:
Post a Comment