Disenyo ni: Jessie Claire Gozun
Inilathala ni: John David ViΓ±as
Petsang Inilathala: Enero 30, 2024
Oras na Inilathala: 12:23PM
Pula para sa swerte. Dragon na may serye. Sa pagpasok ng bagong taon, isang katulad na pagdiriwang naman ang mag-iingay—ang Bagong Taon ng mga Tsino. Maliban sa mga lanternang na nagliliwanag, mga paniniwala ang mahigpit na nakabantay. Kilala ang Bagong Taon ng Tsina sa paniniwala o superstisyon na nakasanayan gawin at sundin.
Sabi nga nila, “Wala namang masama kung maniniwala." Ano nga bang meron sa mga gawi na ito? Kung tutuusin, hindi naman tayo Tsino para sundin ang mga ito. Mula sa pagbibigay ng π’π―π¨ π±π’π° o kaya naman labindalawa na bilog na prutas sa hapagkainan, ang mga kasanayan na ito ay patuloy na hinahalo sa tradisyon ng mga Pilipino. Ang paghahalo na ito ng mga tradisyon ay nagmula sa mga siglo ng pagpapalitan ng kultura, kalakalan, at pinagsasaluhang halaga sa pagitan ng mga Tsino at Pilipino [1]. Ang mga gawi na ito ay naging mahalagang bahagi ng mga pagdiriwang ng mga Pilipino, na nagpapakita ng kanilang kahalagahan at pangmatagalang impluwensya sa mga lokal na pagdiriwang.
Ang alam ng karamihan tungkol sa superstisyon sa Bagong Taon ng Tsina ay malamang na kaunti lang. Kahit ang mga masasarap na pagkain na hinahanda sa araw nito ay may kahulugan na paniniwala. Kaya naman, ating galugarin ang ilan sa mga superstisyon na may dalang swerte sa inyo.
KAPANGYARIHAN NG PULA
Ang bawat kulay ay pinaniniwalaan na may emosyon at kahulugan. Tulad ng kulay pula, kung ang alam ng iba, ito ay para lamang sa may kaarawan ngunit ito rin ay kaugnay ng kaligayahan, tagumpay, at sigla. Ang pula ay ang nangungunang maswerteng kulay ng Tsino, pinaniniwalaang nagtataboy sa malas at masasamang espiritu. Kabaliktaran ng kulay itim, na kung saan nauugnay ang mga ito sa pagluluksa at kasawian na hindi kaaya-aya sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ilan sa mga gawi na sinasalinan ng kulay nito ay ang pagsuot ng pulang damit at sapatos, pulang sobre, at pulang dekorasyon. Ngunit hindi sapat kung kulay lamang ang susundin. Tulad sa pagbibigay ng pulang sobre, hindi dapat ito gusot at malinis lamang, sobre man o ang perang papel na nasa loob nito. Sa kadahilanan na ito ay tanda ng magandang kapalaran at kung gusot ito maaaring hindi kapalaran na gusto mo ang mapasayo. Para maiwasan ito, sinusubukan ng mga tao na palitan ang kanilang luma at gusot na perang papel.
MGA PAGKAIN
Ang puso ng anumang pagdiriwang ng mga Pilipino ay pagkain. Ito ay ang nagbibigay-saya sa ating mga tyan. Pagdating sa Bagong Taon ng mga Tsino, ang mga pagkain ay nagsisimbolo rin ng pagpapahayag ng mapalad na buhay buong taon. Ang mga simbolikong kahulugan ay nakabatay sa pagbigkas ng pangalan at hitsura. Kasabay rin nito ang paraan ng paghahanda at paghahatid ng mga pagkain. Pinaniniwalaang may malaking kahulugan ang mga ito.
Ang maswerteng pagkain ay inihain sa panahon ng 16 na araw na panahon ng pagdiriwang, lalo na sa hapunan ng Bagong Taon ng Tsino sa Bisperas ng Bagong Taon, na pinaniniwalaang nagdadala ng swerte para sa darating na taon [2].
Sa bansang Tsina, ang handang isda ay dapat huling handa na hindi magagalaw sa lamesa. Ang salitang isda sa Tsina ay may parehong bigkas sa π΄πΆπ³π±ππΆπ΄ na may ibig sabihin ng isang halaga na higit pa sa kailangan. kaya kung mag-iiwan ka ng ilang isda sa Bisperas ng Bagong Taon hanggang sa susunod na araw, nangangahulugan ito na palagi kang magkakaroon ng sapat na kayamanan na gagastusin para sa susunod na taon.
Hindi lamang 'yan. Marami pang pagkain ang may dalang swerte sa bulsa at plato. Kasama rin ang Dumplings—sa mas maraming pera ang maaari mong kumita sa Bagong Taon, Noodles—sa pagnanais para sa mahabang buhay, at iba pa. Sa pag presenta naman, may sinusunod din. Katulad nito, ang mga garapon ng bigas ay hindi dapat walang laman sa Bisperas ng Bagong Taon. Dapat itong puno upang matiyak na hindi ka makakaranas ng anumang gutom sa susunod na taon.
PARADA AT PAGTATANGHAL
Hindi matatawag na bagong taon kung walang pag-iingay sa mga kalsada o kahit sa loob ng bahay. Sa Binondo, Manila ang kilala at magandang lugar para ipagbunyi ang Bagong Taon ng mga Tsino. Kung saan mas maraming Tsino ang nakatira, ay sa mga lugar na iyong nasaksihan ang mga parada at pagtatanghal.
Halimbawa ng sumasayaw na dragon na sumisimbolo ng karunungan, kapangyarihan, at kayamanan, at pinaniniwalaang nagdadala sila ng suwerte. Sa panahon ngayon, ang mga sayaw ng dragon ay naganap sa panahon ng kapistahan bilang isang paraan upang itaboy ang masasamang espiritu at malugod sa masaganang panahon [3]. Sinasabayan ito ng pagtugtog ng mga tambol, paputok, at kung nasa bahay lang, mga kaldero at kawali ay ginagamit upang takutin ang masasamang espiritu at mag-imbita ng magandang kapalaran.
Samakatuwid, sa pagpasok ng Bagong Taon ng mga Tsino, ang mga tradisyon at superstisyon ay nagiging sentro ng pagdiriwang. Kilala ang mga gawi gaya ng pagbibigay ng π’π―π¨ π±π’π° at labindalawang bilog na prutas, na sumasalamin sa pagpapahalaga sa swerte at magandang kapalaran. Mga tao ay kumikilos batay sa mga kulay, halimbawa sa pagsusuot ng pulang damit at paglikha ng mga pulang dekorasyon. Ang pagkain ang sentro ng pagdiriwang ng mga Pilipino, habang sa Bagong Taon ng mga Tsino, ang mga pagkain ay may simbolikong kahulugan. Ang isda, halimbawa, ay hindi dapat alisin sa hapag, na kumakatawan sa kasaganahan, habang ang mga dumplings at noodles ay nagsisilbing simbolo ng kayamanan at mahabang buhay. Mahalaga rin ang tamang pagtatanghal ng mga pagkain, tulad ng puno na garapon ng bigas, upang masiguro ang kasaganaan. Ang Bagong Taon ay hindi kumpleto nang walang mga parada at pagtatanghal, kasama ang sayaw ng dragon na simbolo ng kapangyarihan at suwerte, kasabay ng mga tunog na nagpapalayas ng masamang espiritu.
Ang pagdiwang ng Bagong Taon ng mga Tsino sa Pilipinas ay nagpapakita ng maganda at maayos na pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura. Bagama’t ang mga paniniwala nakasanayan ay walang siyentipikong pag-aaral dahil ito ay nagmula lamang sa mga sinaunang paniniwala ng mga Tsino. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na karespe-respeto ang paniniwala ng iba. Ang bawat isa ay may kalayaan na paniwalaan ang gustong paniwalaan. Kung kaya’t ating hagkan ang ating magkakaibang kultura na nagpapayaman sa ating bansa. Ang selebrasyon na ito ay maaring magsulong ng pagkakaisa, pagkakaunawaan, at magkabahaging adhikain para sa maunlad na kinabukasan ng lahat ng Pilipino. Sa kabuuan, ππ’π±π±πΊ ππ©πͺπ―π¦π΄π¦ ππ¦πΈ π π¦π’π³!
REFERENCES:
[1] Sibal, G., & Sibal, G. (2025b, January 17). Chinese New Year traditions that Filipinos celebrate. MEGA. https://mega-onemega.com/good-fortune-a-rundown-of-chinese-new-year-traditions-and-superstitions-that-filipinos-follow/
[2] Cindy. (2025, January 15). 12 lucky Chinese New Year foods to greet the Year of Snake 2025. China Highlights - Since 1998! https://www.chinahighlights.com/travelguide/chinese-food/chinese-new-year-food.htm
[3] Cindy. (2025b, January 15). What Is Chinese Dragon Dance? What is the Meaning? China Highlights - Since 1998! https://www.chinahighlights.com/travelguide/special-report/chinese-new-year/new-year-dragon-dance.htm
No comments:
Post a Comment