Inilathala ni: Jean Ashley Lugod
Petsang Inilathala: Pebrero 19, 2025
Oras na Inilathala: 11:21 AM
Nakabalot sa dilim ang katahimikan,
At ramdam ang natitirang simoy ng hangin,
dama ang himig ng katapusan,
Para sa natitirang samahan natin.
Ang tahanan ng huling ala-ala,
Ang tanging paalala na ang panahon ay walang kinikilala,
Dito'y makukulong lahat—
sa huling silid at mga silya.
Ang hantungan ng ating huling sayaw,
Kung saan magiging memorya na lamang balang araw,
Ang kongklusyong maaaring madalaw,
isang koleksyon para sa nostalhiyang aapaw.
No comments:
Post a Comment