Tuesday, February 11, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—œπ—¦π—£π—’π—₯𝗧𝗦: “Balik-sigla!: Alyssa Valdez, muling sasabak matapos ang matinding pinsala” ni Richeloi Montales

 


Inilathala ni: Michelle Piquero

Petsang Inilathala: Pebrero 11, 2025
Oras na Inilathala: 3:15 PM

Matapos ang matagal na rehabilitasyon mula sa injury sa kanang tuhod noong Disyembre 2023, handa nang bumalik sa paglalaro si Alyssa Valdez, kapitana ng Creamline Cool Smashers, para sa nalalapit na season ng Premier Volleyball League (PVL).


Ngayon, matapos ang ilang buwang gamutan at masusing rehabilitasyon, unti-unti nang nakakabalik sa normal na pagsasanay si Valdez. Sa kabila ng matinding hamon, masigasig niyang pinaghandaan ang kanyang pagbabalik sa laro.


“I’ve been practicing with the team and actually doing scrimmages also. I’ve been able to play as well in our practice games and tune-up games,” ani Valdez sa isang panayam.


Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy siyang nagsumikap upang muling makamit ang kanyang dating lakas at kumpiyansa sa laro.


Ayon naman sa kanyang kasama sa koponan na si Jema Galanza, malaki ang naging papel ng suporta ng buong grupo sa emosyonal at mental na estado ni Valdez.


“It’s been a while since I played this kind of game also, especially in the semifinals. All the teams really push one another to the limit, so I’m happy that all the hard work for the past eight months has been doing wonders on my game,” pahayag ni Galanza.


Ang matagumpay na pagbabalik ni Valdez ay hindi lamang isang pisikal na tagumpay kundi isang patunay ng kanyang tibay ng loob at dedikasyon sa larong volleyball.


Habang papalapit ang bagong PVL season, inaabangan ng mga tagahanga kung paano niya muling gagabayan ang Cool Smashers sa panibagong laban tungo sa inaasam na kampeonato.


MGA SANGGUNIAN:


Caacbay, K. (2025, February). PVL: Creamline weathers Cignal’s gallant stand to stay perfect | ABS-CBN Sports. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/.../pvl-creamline-weathers-cignal...


Dukha, A. B. (2025, January 2). Alyssa looks ahead with optimism after “roller-coaster” 2024 - Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer. https://plus.inquirer.net/.../alyssa-looks-ahead-with.../


Isaga, J. (2023, July 21). Alyssa Valdez sees 8-month injury rehab pay off, passes F2’s 5-set stamina test. RAPPLER. https://www.rappler.com/.../alyssa-valdez-sees-injury.../


Premier Volleyball League. (2024). Alyssa Valdez nears full recovery, sets sights on title defense. Www.pvl.ph. https://www.pvl.ph/.../alyssa-valdez-nears-full-recovery...

No comments:

Post a Comment