Friday, February 7, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—”π—šπ—›π—”π— : “Board game na hango sa katutubong wika, wagi sa Gawad Balmaceda 2025” ni Luis De Jesus

 

Inilathala ni: Jean Ashley Lugod 

Petsang Inilathala: Pebrero 7, 2025 

Oras na Inilathala: 7:16 AM 


Isang propesor sa University of the Philippines Los Banos (UPLB) na si Mariyel Hiyas C. Liwanag, PhD ang nagwagi sa Gawad Julian Cruz Balmaseda 2025 sa kaniyang disertasyon na naglalaman ng larong hango sa Katutubong Wika noong ika-28 ng Enero.

Nakatanggap ng plake, medalya at isang daang libong piso (P100,000) si Liwanag mula sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) sa pagkamit ng pinakamataas na pagkilala sa kaniyang disertasyon sa De La Salle University Manila na pinamagatang “Isabuhay: Isang Larong Diesnyo para sa Diskurso ng mga Wikang Katutubo."

Roleplay ang tema ng laro, at ito ay nilalaro ng tig-aapat na manlalaro kada pangkat at isang tagapagdaloy. Ang bawat manlalaro ay may karakter na ginagampanan, maaari silang maglaro bilang isang guro, language promoter, mananaliksik, at representibo ng ahensya.

Mayroong natatanging kakayahan ang bawat karakter at iisa ang layunin nila na maiiligtas ang mga naglalahong wika. Bubunot ang mga manlalaro ng card na naglalaman ng mga pangyayari na hango sa kasaysayan ng katutubong wika.

Isinaad ni Liwanag na ang layunin niya sa paggawa ng larong ito ay makagawa ng isang larong makakatulong sa pagkilala ng mga katutubong wika na makakakuha ng atensyon ng mga sekondarya at tersiyaryo na mag-aaral.

Dinagdag niya na tumagal ng pitong taon ang pagdidisenyo ng laro, at ito ay kaniyang isinagawa sa pamamagitan ng pakikipaglaro niya sa mga kaniyang estudyante.

Isa rin sa nagwagi sa Balmaceda 2025 ay si Kristae Mae M. Nares ng kaniyang tesis masterado sa Bicol University na pinamagatang “Pagmamapa ng Kalinangang Bayan ng Munisipalidad ng Guinobatan, Albay” na nakatanggap din ng isandaang libong pisong (P100,000) premyo.


MGA SANGGUNIAN:

[1] Macairan, E. (2025, January 30). UPLB prof invents board game on Filipino languages. Philstar.com. https://www.philstar.com/.../2417893uplb-prof-invents...
[2] Naguna, J.L. (2025, January 28). 2 Gawad Julian Cruz Balmaceda winner, pinarangalan ng KWF. Phiippine Information Agency. https://pia.gov.ph/2-gawad-julian-cruz-balmaceda-winner.../
[3] Liwanag, M. C. (2024). Isabuhay: Isang larong disenyo para sa mga diskurso ng mga wikang katutubo. https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/20

No comments:

Post a Comment