Kalayaan, Katarungan, at Kapayapaan. Karaniwang salita na may dalang mabigat na epekto sa ating lipunan—noon at hanggang sa ngayon. Sa aspetong ito, tila prominente ang paksa ng ating pagkakaroon ng iba't ibang lahi at katangian, partikular na ang ating kulay. Dahil dito, patuloy na umuusbong ang sari-saring diskriminasyon laban sa isa't isa.
Isa sa mga patuloy na humaharap sa diskriminasyon ay ang mga African-American, taong mga kilala sa kanilang angking kulay at malalim na kasaysayan. Kung ating susuriin, ito'y nangyayari mula pa noong pinakamadilim na panahon para sa lahat, bago pa man sumiklab ang mga digmaan ng iba't ibang bansa.
Matagal na labanan ay marapat lamang na tumbasan ng isang karapat-dapat na pagkilala. Marahil marami ang nagtataka, ano nga ba ang mga kadahilanan upang lumaban ang mga African-American sa kanilang kalayaan, dahilan upang magkaroon sila ng pagdiriwang ng Black History Month? Ito'y isang mahaba at mahalagang usapan.
Ang Black History Month ay isang pagdiriwang na ginaganap sa America tuwing buwan ng Pebrero upang bigyang alaala ang mga pumanaw na African-American na nagbigay ng dugo, pawis, at maging sariling buhay, upang maging isang ganap na mamamayang Amerikano.
Ang kuwento ng makasaysayang kaganapan ay nararapat lamang na binubuo ng iba't ibang mga dominante. Iba-iba man ang panahon, mayroong iilan na nakilala sa kanilang malaking kontribusyon sa kanilang kalayaan at sa pagpapasulong ng selebrasyong ito. Hindi man ituring na bida, mayroon naman silang nabuksang mga isipan at naihayag na pagbabagong kailangan—mga pambihirang hakbang tungo sa pagbabago.
Sa kabila ng pagkakaroon ng pagkilala sa kanilang pagiging mamamayang Amerikano, na kanilang pinapangarap, mayroon pa ring hindi patas na pagtrato sa ngayon; Isang panibagong isyu na lumutang mula sa nakaraan, isang problemang nararapat nating solusyonan: ang kapootang panlahi sa social media. Kahit inaasahan, ang isyung ito ay nararapat na bigyan ng aksiyon sa lalong madaling panahon.
Doon, umusbong ang isang mahalagang pangyayari na ating ginagunita at patuloy na nilulutas ngayong Pebrero, maliban sa buwan ng pagmamahalan, ito rin ay simbolo ng Kalayaan, katarungan, at kapayapaan sa ating minamahal na mamamayang African-American.
ANG KASAYSAYAN SA LIKOD NG ISANG MAHALAGANG KAGANAPAN
Bawat kuwento ay may inspirasyon, gayundin ang Black History Month.
Katulad ng ating mga kuwentong pantasya, ang Black History Month ay may angking kuwento na nakapagbubukas ng isip at nakapagbabago ng buhay. Dito, nagsimula ng selebrasyon noong 1915, kalahating siglo ng nakalipas nang mawala ang kaalipinan sa United States sa pamamaraan ng Thirteenth Amendment.
Ito'y naisulong dahil sa tanyag na mananalaysay na si Carter G. Woodson. Si Woodson ay isa sa mga nagbuo ng Association for the Study of Negro Life and History (ASNLH), isang grupo na naglalayong ma-enganyo ng mga mag-aaral na aralin ang kasaysayan ng mga Black Americans, na kay tagal nang hindi nabibigyang pansin ng iba't ibang mga akademikong institusyon sa kanilang bansa.
Sumunod na taon matapos ang pagtaguyod ng makabagong Samahan, bumuo naman si Woodson ng akademikong publikasyong The Journal of Negro History. Matapos nito, noong 1924 ay ipinakilala niya ang Negro History and Literature Week na naging Negro History Week nang ito ay nailunsad noong Pebrero 1926.
Nang makita ang mga patuloy na pag-usbong ng isyu, siya'y namayagpag. Sa isang ebolusyon, si Woodson ang nagsilbing ugat—ang utak ng Black History Month. Siya ay ang unang humakbang tungo sa pagbabago at sa kalayaang tinatamasa ng kapuwa niyang Black Americans.
Gayundin, maliban kay Woodson, may ilang prominenteng Amerikano rin ang ipinanganak ng Pebrero—Sina Abraham Lincoln at si Frederick Douglass na may angking ambag din sa kalayaan ng kanilang lahi mula sa kaalipinan. Bilang pagbibigay alaala mula sa mga ito, mas pinalawak ni Woodson ang selebrasyon ng kanilang lahi—hindi lamang sa mga tagumpay ng mga kilalang Black American kung hindi ang tagumpay nilang lahat.
Ika nga, isa para sa lahat, lahat para sa isa. Ang tagumpay ni Woodson ay para sa lahat. Ang kaniyang mga nagawang pagbabago sa lipunan ay hindi lamang para sa angking lahi kung hindi sa lahat—anuman ang lahi, kulay, at angking katangian. Tunay na ang kaniyang layunin ay isang inspirasyon sa bawat isa, ito ay ang ating paalala na ipakilala nang nakataas noo kung sino tayo, pahalagahan ito, at ipaglaban sa anumang diskriminasyon.
Gayunpaman, may iba ring mga Amerikano ang nagbigay daan sa selebrasyon ng Black History Month katulad na lamang nina Abraham Lincoln, Frederick Douglass, at marami pang iba. Katulad na lamang ng isang proyekto, hindi ito kaya magawa ng iisang tao, kailangan nito ng mga miyembro na may kakayahan at kagustuhan ng tagumpay—ng pagbabago.
MGA TANYAG NA TAGAPAGSULONG NG BLACK HISTORY MONTH
Ang lakas ng pangkat ay ang bawat indibidwal, ang lakas ng mga miyembro ay ang pangkat.
Ang Black History Month ay hindi lamang binubuo ng isang manlilikha; ito ay binubuo ng sari-saring dalubhasang propesyonal mula sa iba’t ibang panahon na nagtulong-tulong na makapagbigay ng kalayaan para sa kanila at buong lipunan ng mga Black American.
Dr. Martin Luther King Jr. Siya ay ipinanganak sa Atlanta, Georgia noong 1929—ang panahon kung saan tanyag ang color segregation o ang paghihiwalay ng mga tao ayon sa kanilang lahi. Mula pagkabata pa lamang ay nakaranas na siya ng diskriminasyon sa iba’t ibang lugar katulad na lamang ng paaralan, mga pampublikong transportasyon, at maging sa mga restawran. Dahil sa kaniyang angking karanasan, inialay niya ang kaniyang buhay para makamit ang pagkakapantay-pantay at ang nararapat na hustisya para sa iba’t ibang lahi ng mga Amerikano.
Abraham Lincoln. Siya ang ikalabing-anim na presidente ng United States. Bagamit hindi ka-kulay, nanatiling patas si Lincoln sa kaniyang pamumuno. Siya ang nagpatupad ng mga batas na higit na nakatulong sa pagkamit ng kalayaan ng mga Black Americans. Isa na rito ang Emancipation Proclamation na nagdeklarang maging malaya ang mga alipin. Sumunod naman dito ang ikalabing tatlong Amendment na nagpawi sa pang-aalipin ng anumang lahi.
Frederick Douglass. Sa kasamaang-palad, siya ay pinanganak na alipin hanggang siya’y maging 20 anyos. Nang magkaroon ng pagkakataon, siya’y tumakas at lumayag papunta sa New York, ang bansang walang pang-aalipin. Dito, siya ay naging isang ganap na abolitionist, isang terminong tawag sa tao o mga grupo na may layuning tapusin ang pang-aalipin. Ang kaniyang karanasan ay nagdulot sa kaniya upang magkaroon ng malalim na pagnanais sa kalayaan at pagkakapantay-pantay—isang kuwentong buhay na hanggang sa ngayon ay puno ng inspirasyon.
Thurgood Marshall. Ang kauna-unahang black Supreme Court Justice. Siya ay ipinanganak din noong panahon na karaniwan ang diskriminasyon sa kulay. Matapos basahin ang US Constitution, napagtanto niya ang kaniyang karapatan, dahilan uoang siya’y mag-aral ng Law at ipaglaban ang pagkakapantay-pantay gamit ang batas.
“Teamwork makes the dream work,” ika nga. Magkakaiba man ang kulay at karanasan, ang mga tagapagsulong ng Black History Month ay may iisang layunin: Ihayag ang kuwento ng lahi at ipagmalaki ito tungo sa pagbabagong pantay-pantay at payapa.
Iba-iba man ang panahong pinaglaanan, ang bawat prominente ay nagbigay liwanag sa mga Black Americans tungo sa pag-asang kanilang inaasam-asam. Bagamat, ito’y nasa proseso pa rin hanggang sa ngayon, at nasa kalagitnaan ng pagbabago at pagbibigay solusyon sa makapanahong isyu kaugnay dito, malaki na rin ang naging sakripisyo at pagbabagong natatamasa.
Ito ay tunay na malayo pa, pero tayo ay malayo na.
KAPOOTANG PANLAHI SA SOCIAL MEDIA, ANO ANG SOLUSYON?
Sa gitna ng patuloy na pag-unlad at pagbabago ay ang patuloy na pag-usbong ng iba’t ibang mga suliranin. Sa mga nagdaang panahon, mas dumarami rin ang makapanahong isyu laban sa iba’t ibang lahi. Sa tulong ng teknolohiya, mas napapabilis ang daloy ng impormasyon—ito ma’y tunay o personal. Dahil dito, mas napapadali ang pamamahagi ng impormasyong maaaring makapanghusga sa iba’t ibang lahi—Pilipino, Tsino, Koreano, at maging ang mga Amerikano.
Isa sa mga nananatiling nangungunang isyu na nararanasan ng bawat isa, karaniwan ang mga Black Americans ay ang kapootang panlahi o racism sa Ingles. Ito ay isang isyu kung saan hinuhusgahan ang isang tao ayon sa kaniyang lahi o kulay. Maging noon pa man ay laganap na ito. Sapagkat ito’y mas napapadali at lumalala dahil sa iba’t ibang social media websites—dahilan upang patuloy ang pagtaas ng kaso sa Cyber Bullying at Hate Speech.
Censorship. Isa sa karaniwang nararanasan ng mga Black Americans ay ang Cencorship o pananadyang pagsusuri sa mga simpleng content sa social media. Ito ay madalas nararanasan at ang karaniwang sanhi ng mga ito ay ang violation sa iba’t ibang panuntunan subalit ang mga content ay walang halong anumang violation na nasusuway.
Misinformation. Isang sikat na kilusan sa social media ang BLM o ang Black Lives Matter, itinaguyod upang magbigay kaalaman sa karanasan ng mga Black Americans at ang paghingi ng tulong upang mapagtibay ang mga batas na nakalaan para sa kanila. Dahil dito, nabigyang pagkakataon din ang paglaganap ng mga hindi lehitimong mga impormasyon ukol sa BLM. Isa na rito ang usapang ito raw ay isang grupo ng mga terorista na nananakit ng mga mahihina at matatandang mamamayan. Bilang resulta, nagkaroon ng kaguluhan sa pagkalap ng mga tamang ipormasyon ukol sa isang makabuluhang kilusan.
Hate Speech at Bullying. Sa tulong ng social media, mas napapadali ang pagpapahayag ng ating mga isipin at ang pakikipag-usap sa ibang tao na mula sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Sa kabila ng mga positibong epekto nito, mas umaangat din ang paraan upang lumaganap ang Hate Speech at Bullying. Maging ang simpleng engagement ay maaaring about sa kapootang panlahi o kaya naman ang maging biro ukol dito. Bagamat marami ang hindi gusto ang mga nilalaman ng mga ito, marami rin ang nakikipag-enganyo sa mga rito dahil ito raw ay nakakapang-aliw at nakapagbibigay ng aliw.
Sa kabila ng dinami-raming mga problemang hinaharap ukol sa lahi, ano nga ba ang solusyon?
Palaging may dalawang panig ang bawat storya, malaya kang pumili kung ano ang iyong paniniwalaan, ang totoo o ang hindi lehitimo. Sa isyung ito, maging matalino at pabulaanan ang mga maling impormasyong kumakalat gamit ang lehitimo at katiwa-tiwalang mga sanggunian. Maaari rin nating tawagin ang mga masasakit na pahayag sa social media. Gamit ang simpleng report button o kaya ang downvote, maaaring ma-delete ang komento o kaya naman ay mabigyan ng warning ang nagbigay ng komento upang paalalahanan ang mga panuntunan sa social media sites.
Marami ang umuusbong na problema subalit walang katapusan ang mga solusyon. Kung ating pagtutulungan, ang ating pantasyang kuwento kung saan lahat ay pantay-pantay at payapa ay maaaring maging ating realidad. Sa dagat ng mga problema sa teknolohiya at pagpoot sa lahi, maging matalino at umiwas sa pag-enganyo sa mga ito, kung maaari ay magbigay impormasyon sa mga walang kaalaman ukol sa isyu na patuloy na nakikipagenganyo sa ganitong mga gawain.
Ang Black History Month ay isang karapat-dapat tandaan na pangyayari sa ating kasaysayan. Maliban sa buwan ng pag-ibig, ito rin ay ang selebrasyon sa simbolismo ng sakripisyo ng mga African-American sa pagkamit ng kalayaan, katarungan, at kapayapaan. Bagamit malaki na ang pagbabagong kanilang natatamasa, hindi pa rin tapos ang kanilang laban, lalo na sa mga isyu ng diskriminasyon sa kanilang lahi. Sa kabila ng malalim na kasaysayan at tagumpay, ay ang pag-usbong ng iba’t ibang isyu katulad na lamang ng social media na nagiging larangan ng mga suliranin sa hate speech, bullying, at misinformation. Bagamat hadlang sa panibagong tagumpay, maaari naman itong bigyan ng angkop na aksiyon katulad ng edukasyon at pagsasalamin sa mga aktibidad sa social media.
Sa kabila ng lahat ng mga balakid, ang Black History Month ay isa sa magsisilbing liwanag sa ating daan tungo sa payapa at patas na mundo. Hindi lamang ito buwan ng pag-alala kung hindi ay pagganyak sa aksyon—sa ating panibagong hakbang. Ang laban sa pagtanggol sa lahi ay hindi lamang panandalian kung hindi panghabambuhay. Mula sa ating henerasyon tungo sa panibago, ito ay isang laban na nararapat masolusyunan. Sa bawat post, komento, at pag-uusap, mayroon tayong kapangyarihang magtulungan, mag-edukar, at magbukas ng mga mata sa isang mas maliwanag at mas makatarungang bukas. Ang laban nila ay laban din natin—kaya’t magkaisa tayo sa pagtahak sa daang may paggalang, pagmamahal, at pagkakapantay-pantay. Sa bawat dugo, pawis, at buhay na naisakripisyo ng mga black Americans, nawa ay maalala natin igunita ang kanilang lahi hindi lamang ngayong Pebrero kung hindi sa bawat bahagi ng ating buhay; alalahanin, ipagmalaki, at igalang ang kanilang natatanging lahi.
MGA SANGGUNIAN
[1] Mark Otto, J. T. (n.d.). Black history month. Black History Month 2024. https://blackhistorymonth.gov/
[2] Encyclopædia Britannica, inc. (n.d.). Why is black history month celebrated in February?. Encyclopædia Britannica. https://www.britannica.com/story/why-is-black-history-month-celebrated-in-february
[3] Boatner, K. (2023, February 1). Black history month. History. https://kids.nationalgeographic.com/history/article/black-history-month#
[4]Magazine, S. (2021, February 10). Black lives certainly mattered to Abraham Lincoln. Smithsonian.com. https://www.smithsonianmag.com/history/black-lives-certainly-mattered-abraham-lincoln-180976963/#:~:text=On%20January%201%2C%201863%2C%20Lincoln,slavery%20in%20the%20United%20States.
[5] Racism in social media. Social Media Victims Law Center. (2024, September 27). https://socialmediavictims.or/social-media-violence/racism/
No comments:
Post a Comment