Disenyo ni: Amara Dela Cruz
Inilathala ni: Aprilyn Sado
Petsang Inilathala: Pebrero 26, 2025
Oras na Inilathala: 8:33 AM
Ang Department of Education (DepEd) ay nagbigay ng pahayag noong ika-29 ng Enero, na handa silang ipagpaliban ang implementasyon ng kontrobersiyal na Comprehensive Sexuality Education (CSE), upang patuloy na masuri ang nilalaman at epekto ng programa.
Nauna rito, inamin ng isa sa opisyal ng Department of Education sa hearing ng Senate Committee of Basic Education na nakalilito ang kautusan ng DepEd kaya nirepaso ito.
Sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagpapatupad ng Department Order No. 31 (DO 31), binigyang-diin ni Senator Sherwin Gatchalian na ang kaayusan ng CSE, ay hindi tugma sa layunin ng Responsible Parenthood ang Reproductive Health Act of 2012, na naging legal na basehan para sa nasabing kautusan.
Puna ni Gatchalian na nililimitahan lamang ng RH Law sa adolescence ang sexuaity education, ngunit pati edad 0-4 kasama sa DO. 31.
"It was expanded all the way to kindergarten which is different from the intention of the framers of the RH law," saad niya.
Itinataas ni Gatchalian ang mga alalahanin tungkol sa probisyon ng patakaran na nagsasaad na "shall apply to all learners," habang tinutukoy ang mga kabataang may edad 10 pataas.
Nilinaw naman ng DepEd undersecretary Filemon Ray Javier na ang mga mag-aaral na may edad 10 pababa ay makakatanggap lamang ng "foundational knowledge" at hindi ang pormal na sex education.
Bukod dito, nagtanong si Gatchalian tungkol sa "leeway" na ibinibigay sa mga guro sa ilalim ng DO 31 para magturo ng "general terms" at mga konsepto.
Sa kanyang sagot, ipinaliwanag ni DepEd Assistant Secretary Janir Datukan na ang departamento ay nagbigay ng mga itinakdang materyales para sa Comprehensive Sexuality Education (CSE), na inendorso sa panahon ng pagsasanay para sa mga guro.
Nang tanungin kung maaari bang gamitin ang UNESCO'S technical guide sa CSE, ang sagot naman ni Datukan ay "They can use it as a reference, but they have to adapt it to our circumstances here."
Sa isang biglaang panayam, inihayag ni DepEd Secretary Sonny Angara ang pagiging bukas sa mga mungkahi ni Gatchalian.
"I think we can do a temporary suspension while we are reviewing it. Permanent, we cannot. That's the mandate of the law. But certainly, to correct certain flaws pointed out by the legislators, to ensure na age-appropriate nga siya, maybe we can do that," sinabi ni Angara sa tagapanayam.
Habang sinabi ni Angara na wala siyang alam sa kalituhan sa pagitan ng mga guro sa pagpapatupad ng CSE, at inanunsyo na sasailalim ang kautusan sa lubos na pagsusuri.
IMAGE SOURCES:
[1] Calvelo, G. (2025, January 28). Teachers and school officials grab free reading materials regarding sex health education. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/.../deped-says-order-on...
[2] Senator Win Gatchalian in hearing. (2025, January 30). Daily Tribune. https://tribune.net.ph/.../scrap-sex-education-from...
[3] Students engaged in lecture. (2023, April 28). GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/.../deped-plans-to.../story/...
MGA SANGGUNIAN:
[1] GMA News. (2025, January 28). DepEd urged to defer sexuality education implementation. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/.../deped-urged-to.../story/
[2] Cruz, R. (2025, January 28). DepEd says order on “Comprehensive Sexuality Education” under review | ABS-CBN News. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/.../deped-says-order-on...
No comments:
Post a Comment