Inilathala ni: Jean Ashley Lugod
Petsang Inilathala: Pebrero 21, 2025
Oras na Inilathala: 2:06 PM
Sa ilalim ng matirik na sinag ng araw—
Tayo'y nagtatawanan, nagsisitakbuhan, naghahabulan,
Habang ang mga paa natin ay tumatapak sa puting buhangin,
Na para bang hindi napapaso, dahil sa ating laro.
๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ต ๐๐ถ๐ฑ๐ข, ๐ช๐ฎ๐ฑ๐บ๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฐ!
Pahiyaw nating sabay-sabay,
Ngunit ang iyong boses
Ang tanging narinig ko lamang
Sa kay ingay na paligid.
Mga mata ko'y nakatingin sa'yo—
Sinusundan ang bawat hakbang,
Bawat tawa, bawat pagngiti,
Na tila mga bituin na nais kong abutin.
Ngunit nakalimutan ko—
Magkaiba tayo ng mundo;
Ika'y nakaupo sa tuktok ng langit
Habang ako'y nasa lupa lamang.
"๐๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ถ๐ญ๐ช?"
Tanong ko sa aking sarili,
Habang ika'y nasa itaas, na laging ligtas,
Na tila para bang isang anghel.
๐๐ข๐ฌ๐ด๐ข๐ฌ ๐ฑ๐ถ๐ด๐ฐ, ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ถ๐จ๐ฐ!
Kay sakit maiwan sa lupa,
Naghihintay sa oras
Na ipagtagpo ang ating landas.
๐๐ข๐ต๐ข๐บ, ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ, ๐ถ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช๐ด ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฅ๐บ๐ข๐ฏ!
Ngunit sa bawat hapon, bawat laro,
Hanggang sa lupa lang ako nakatayo.
No comments:
Post a Comment