Petsang Inilathala: March 28, 2025
Oras na Inilathala: 6:56 PM
Ayon sa DENR-12, ang limang species ay ๐๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ด ๐ต๐ณ๐ถ๐ฏ๐ค๐ข๐ต๐ข, ๐๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ด ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ณ๐ช๐ญ๐ญ๐ช๐ข๐ฏ๐ข, ๐๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ด ๐ด๐ถ๐ณ๐ช๐จ๐ข๐ฐ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด, at ๐๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ด ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐ฐ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด.
Ang mga halamang ito ay nasa kategoryang ๐๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฏ๐จ๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฅ (๐๐) at ๐๐ถ๐ญ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ (๐๐) batay sa ๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐๐ณ๐ฅ๐ฆ๐ณ ๐๐ฐ. 2017-11, na nangangahulugang nasa panganib ang kanilang populasyon at nangangailangan ng agarang aksyon upang mapanatili ang kanilang uri sa kalikasan.
"Mahalagang mapanatili natin ang ganitong mga species dahil bahagi ito ng ating likas na yaman. Ang pagkawala ng pitcher plants ay maaaring magdulot ng epekto sa ating ekosistema," ayon kay DENR-12 Regional Executive Director Felix S. Alicer.
Ayon sa mga eksperto, kinikilala ang Mindanao bilang "๐๐ช๐ต๐ค๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ต ๐๐ข๐ฑ๐ช๐ต๐ข๐ญ " ng Pilipinas dahil sa saganang bilang ng mga uri nito. Sa kasalukuyan, mayroong 60 uri ng pitcher plants ang natuklasan sa bansa, at ilan sa mga ito ay nanganganib nang maubos.
Patuloy ang DENR-12 sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamayanan at iba pang organisasyon upang maprotektahan at mapanatili ang mga natatanging halaman sa Cotabato.
Upang mas mapangalagaan ang mga natagpuang pitcher plant, isinusulong ng DENR-12 na ideklara ang Mt. Sinaka, malapit sa Barangay San Miguel, bilang isang "๐ค๐ณ๐ช๐ต๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐ฉ๐ข๐ฃ๐ช๐ต๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ต๐ฆ "โisang lugar na itinuturing na protektadong sona upang mapanatili ang mga natatanging halamang nanganganib sa pagkaubos.
MGA SANGGUNIAN:
GMA REGIONAL NEWS (2025, Marso 1) DENR-12 documents 5 species of pitcher plant in Cotabato
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/937854/denr-12-documents-5-species-of-pitcher-plant-in-cotabato/story/
Remate PH (2025, Marso 2) 5 species ng pitcher plant naidokumento ng DENR sa Cotabato
https://remate.ph/5-species-ng-pitcher-plant-naidokumento-ng-denr-sa-cotabato/
RMN GenSan 5 (2025, Pebrero 26) ka species sa Pitcher Plant nadokumento sa Arakan, Cotabato, Province
https://www.facebook.com/share/p/1F8zxCKSnW/
No comments:
Post a Comment