Disenyo ni: Winchelle Anne Azul
Inilathala ni: Jielian Lobete
Petsang Inilathala: Marso 18, 2025
Oras na Inilathala: 6:39 PM
Nagpatuloy ang kahanga-hangang tagumpay ng koponang tennis ng mga lalaki ng Pilipinas sa World Junior Tennis Competition matapos talunin ang kiponang tennis ng Iraq sa Main Draw Positional Play-Off noong ika-1 ng Marso.
Ang tagumpay na ito ay nakamit sa magkasunod na panalo mula sa laban sa Malaysia 2-0 at Maldives 3-0, nagpahayag ang lumalakas na lakas sa pandaigdigang entablado.
Ipinakita ni Mikael Andres Honrado ang kaniyang talento sa laro sa pamamagitan ng mabighaning pagtanghal sa isports laban sa kalaban niyang si Ahmed Altaleb mula sa Iraqβnagwagi siya sa iskor na 6-3 at 6-4.
βKael started with a good mindset, playing aggressively without immediately aiming for winners,β pagpuri ng tagapayo ni Honrado na si John Rey Moreno.
Ipinakita ni Honrado ang kaniyang malakas na harapang tira at ang kaniyang istratehikong pag posisyon sa korte upang magtamo ng kapangyarihan sa laro.
Nang malapit na sa match point, binigyang payo muli siya ng kaniyang taga-gabay na βGo all in."
Dagdag pa niya, βI asked Kael to shout, grunt, and give everything on his first serveβand it resulted in an ace.β
Ang ikalawang singles na laban naman ay isang kapana-panabik na laban ni Anthony Bjorn Castigador laban kay Hasan Ghrairi ng Iraq, kung saan nanalo siya ng may iskor na 6-4, 4-6, at 10-6.
Nakita ni Castigador na siya ay nasa mahirap na sitwasyon sa simula, na may iskor na 0-4 sa unang 15 na minuto ng laro habang pinangunahan siya ng kaniyang kalaban, ngunit sa mabuting kinalabasan, nakapag-adjust siya sa kaniyang kalagayan at binago niya ang kaniyang bilis at taas ng kaniyang mga tira upang guluhin ang daloy ng laro ni Ghrairi.
SANGGUNIAN:
[1] Castillejo, Dyan. βPH Boysβ Tennis Team Defeats Iraq, Advances in World Junior Tennis Competition | ABS-CBN Sports.β ABS-CBN, Mar. 2025, http://www.abs-cbn.com/.../ph-boys-tennis-team-defeats...
No comments:
Post a Comment