Thursday, March 20, 2025

π—žπ—’π—Ÿπ—¨π— : “Mga Sinapit na Hagupit ng Laban Kontra Droga” ni Angelli Clarisse S. Gonzales

 


Disenyo ni: Kathrina Embile

Inilathala ni: Kristine Joyce Soriano 

Petsang Inilathala: Marso 20, 2025

Oras na Inilathala: 5:28 PM


Hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Kailan pa naging marangal ang pagpaslang sa buhay ng isang indibidwal para lamang sa sariling benepisyo? Isang indibidwal na walang kalaban-laban ang binawian ng buhay dahil sa isang batas na naglalayong puksain ang krimen sa bansang Pilipinas.


Ang “War on Drugs” ay isang kampanya ni dating Pangulong Duterte simula noong ika-30 ng Hunyo, 2016. Ang batas na ito ay nagresulta ng pagkamatay ng halos 12,000 Pilipino na galing lamang sa laylayan; na binabaril sa kanilang bahay, o sa mga kalye ng mga pulis, o di kaya ng mga di kilala na mga mga opisyal. Ang kadalasang rason ng mga pulis sa pagpatay sa mga ito ay ang paglaban daw ng mga naturang suspek.


Kung ninanais ang pagsugpo ng krimen sa bansa, hindi ba na mas dapat unahin ang pasimuno ng pagkasangkot ng mga Pilipino sa droga? Tila ay mas parang inuuna pa nila ang mga Pilipinong nasasangkot sa droga na mahihirap lamang dahil alam nilang wala itong kalaban-laban sakanila.


Noong ika-9 ng Mayo, 2016, naglabas ng saloobin ang dating Pangulong Duterte sa harap ng halos 300,000 Pilipino tungkol sa kanyang plano pag siya ay makaupo sa pwesto ng pagka-Presidente na gagawin niya kung ano ang ginawa niya noong siya ay Mayor pa lamang ng Davao. Nag-aamba ng pagpatay sa mga kriminal sa bansa. Bilang isang tagapamahala ng bansa na nagnanais ng kaligtasan ng mga Pilipino, hindi solusyon ang pagsagawa ng batas na kinakailangang pumatay ng buhay ng ibang Pilipino. Marami sa pulitika ang nasasangkot sa droga ngunit bakit ay tila nakaupo pa rin ito at may pwesto sa politika? Mas nauuna pang sugpuin ang mga ordinaryong Pilipino na sangkot sa droga ngunit ang mga myembro ng politika na gumagamit ng mga ilegal na droga ay hindi man lang masibak-sibak sa pwesto.


Bilang resulta ng kampanyang "Laban Kontra Droga" ng dating pangulo, ang Philippine Police ay inaresto si Duterte noong ika-11 ng Marso, 2025 (Martes) upang madala ito sa Netherlands upang harapin ang kasong hinatol sakanya laban sa karapatang pantao. Nagkaron ito ng epekto sa kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte kaya hindi nito maiwasan ang pag-post ng mga larawan ng kanyang ama na halos ay hindi nasa maayos na kalagayan. Nagresulta ng kontrobersya ang post ni Kitty Duterte ng larawan ng kanyang ama na may caption na; “Illegal detention, no warrant of arrest”. Ganito rin naman ang hinaing ng mga pamilya ng mga biktima ng batas na inimplementa ng dating Pangulo ngunit hindi ito nabigyan ng hustisya dahil sa kakulangan ng suporta upang makamit ang karapat dapat nilang makamit. Kung sino pa talaga ang nagkait ng isang bagay sa mga Pilipino ay sila pa talaga ang malakas ang loob na humiling ng hustisya.


Nakakaalarma dahil ang batas na ito ang dahilan ng pagkamatay ng tatlong taong gulang na babae. Myca Ulpina, ang pinakabatang biktima ng "Laban Kontra Droga" ng dating Pangulong Duterte. Ang batang ito ay nabaril ng mga pulis nang hindi sinasadya dahil nga sa balak nitong pagbaril sa tatay ng bata. Ayon sa mga pulis ay ginamit lamang daw ang bata bilang panakip sa pamamaril sa kanyang ama. Dagdag pa rito ang pagkamatay ng mga batang sila; Skyler Abatayo, apat na taong gulang noong Hulyo, 2018, at Danica May Garcia limang taong gulang noong Agosto, 2016.


Isa pa rito ang kilalang-kilalang biktima ng "Laban Kontra Droga" ang binatilyong si Kian Delos Santos noong ika-23 ng Agosto, 2017. Halos ginigiit ng mga pulis ang pagkasangot ng biktima sa droga. “We have information na may naglalaro doon sa area, kahit ginalugad ‘yong area,” ayon kay Chief Supt. Roberto Fajardo, dating hepe ng NPD. Bilang patunay daw ay nagkaron ng background checking ang mga pulis at doon daw napatunayan ang pagkasangkot ng biktima sa droga.


Hindi sapat ang pagiging sangkot sa droga ng binatilyo upang paslangin ito ng walang legal na proseso. Dapat lamang na pati ang pinagbilhan sana ng binatilyo ng droga ay inimbestigahan din dahil dito magmumula ang tuloy tuloy na pagsugpo ng droga sa bansa. Walang saysay ang pagpatay ng mga taong sangkot sa droga kung ang mismong pinanggalingan nito ay hindi man lang magawang imbestigahan; para tuluyang matigil ang hindi matapos-tapos na problema sa bansa.


Ang paghangad ng isang bagay para sa ikauunlad ng bansa ay magmumula sa matinong desisyon ng Pangulo. Ang lahat ng bagay ay dapat idinadaan sa maayos at legal na proseso bago man ito mahatulan. Buksan ang ating mga mata at huwag basta basta mabulag sa mga matatamis na salita. Bagkus, ay pumili nang tama at pumili ng Pangulo na maghahangad ng ikauunlad ng bansa na hindi kakailanganin na pumatay ng buhay ng mga inosenteng Pilipino.


[:SANGGUNIAN:]

[1] Ratcliffe, R. (2025, March 11). Rodrigo Duterte’s ‘war on drugs’ in the Philippines – explained in 30 seconds. The Guardian. https://www.theguardian.com/.../rodrigo-dutertes-war-on...


[2] Philippines’ ‘War on Drugs’ | Human Rights Watch. (n.d.). https://www.hrw.org/tag/philippines-war-drugs


[3] Gonzales, G. (2025, March 12). ‘Never forget,’ says Kitty Duterte, oblivious to drug war killings under her father. RAPPLER. https://www.rappler.com/.../kitty-duterte-never-forget.../


[4] Three-Year-Old girl latest Philippines ‘Drug war’ victim. (2020, October 28). Human Rights Watch. https://www.hrw.org/.../three-year-old-girl-latest...


[5] The Kian delos Santos Case: A Timeline. (n.d.). GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/.../the-kian-delos-santos.../


[6] Kian delos Santos – Commission on Human Rights, Philippines. (n.d.). https://chr.gov.ph/tag/kian-delos-santos/

No comments:

Post a Comment