Inilathala ni: Kristine Joyce Soriano
Petsang Inilathala: Marso 26, 2025
Oras na Inilathala: 6:40 PM
Maging ang mga hari ay walang kawala sa dagsa ng kalbaryo.
Nagpasiklab ang Team Liquid Philippines (TLPH) laban sa mga kampeon ng M6 world series Onic Philippines, 2-0, sa MPL-PH Season 15 sa Green Sun hotel, Makati noong Sabado, ika-15 ng Marso.
Nagpakita ng kagulat-gulat na laro ang Lukas ni Sanford ng TLPH nang mapitas niya ang Hylos ni Brusko at Granger ni Kelra sa ika-18 minuto ng laban ng Unang laban na nagbigay daan sa TLPH upang makuha ang kanilang unang lord.
Bagaman pantay ang bilang ng kills sa parehong koponan, nakalamang nang bahagya ang TLPH dahil sa tatlong turtle secure ni Karltzy gamit ang Suyou.
Ang isang pagkakamali sa estratehiya ng Onic ay nagresulta sa pagkamatay sa apat na miyembro ng Onic na nagbigay daan sa TLPH upang tapusin ang Unang laban sa 11 na minuto at 40 segundong marka ng laro.
Sinubukang bumwelta ng Onic sa Ikalawang laban gamit ang kanilang agresibong laruan, na nagbunga ng dalawang turtle at nagawang ubusin ang TLPH sa 7:22 na minuto.
Hindi napanghinaan ng loob ang TLPH at matagumpay na naungusan ang Onic sa pamamagitan ng backdoor play ni sanji na nag resulta sa Maniac ni Oheb upang matapos ang Ikalawang laban.
Ang TLPH ay nanatiling walang talo at nasa itaas ng listahan sa iskor na 5-0, tuluyan na rin silang naghahanda sa darating na laban kontra TNC sa Biyernes, ika-21 ng Marso.
Ang Onic Philippines ay bumagsak sa 1-3 at nalaglag sa ikalimang pwesto na nagnanais bumawi laban sa AP Bren.
MGA SANGGUNIAN:
Matote J. (2025, March 15). MPL-PH: TLPH sweeps M6 winners ONIC PH to go 5-0. Dugout PH https://www.dugout.ph/2025/03/mpl-ph-tlph-sweeps-m6-winners-onic-ph.html?m=1
No comments:
Post a Comment