Thursday, March 20, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—œπ—¦π—£π—’π—₯𝗧𝗦: "Tuloy ang Laban: Blue Eagles sumusubok sa kabila ng pagkabigo" ni Szamantha A. Arciaga

 

Disenyo ni: Misha Mikylla Sanchez

Inilathala ni: Marino Peralata

Petsang Inilathala: Marso 20, 2025

Oras na Inilathala: 11:03 AM


Sa tagisan ng Ateneo de Manila University (ADMU) at De La Salle University (DLSU) sa ika-87 𝘴𝘦𝘒𝘴𝘰𝘯 ng UAAP, ay kinulang ang manlalaro ng ADMU Blue Eagles na nag resulta sa 15-25, 14-25, 25-20, 19-25 bilang pinal na iskor, na naging dahilan ng muling pagkatalo nila sa kanilang matagal nang katunggali noong Miyerkules, ika-12 ng Marso sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.


Sa laban sa DLSU Lady Spiker, kahit masasabing may lamang ang katimpalak, nanalo pa rin ang Blue Eagles sa ikatlong set na may iskor na 25-20 ngunit dahil na rin sa desbentaha sa bilang ng manlalaro natalo pa rin sila laban dito.


Ang kapitan ng grupo na si Lyann De Guzman ang nangunguna sa laro na may 16 puntos, 13 ay atake at kasangga ay si AC Miner na may 13 na marka.


Ang ganap na ito ay ang unang muling pagkapanalo ng Ateneo sa kanilang matagal na katunggali mag mula ng 𝘴𝘦𝘒𝘴𝘰𝘯 84.


Si Sobe Buena, ang 𝘰𝘢𝘡𝘴π˜ͺπ˜₯𝘦 𝘩π˜ͺ𝘡𝘡𝘦𝘳 ng Ateneo, ang isa sa hindi makapasok na atleta dahil nakatamo ng problema sa kanyang kanang harap, sa krusyal na ligament (ACL), sa huling laban sa University of Santo Tomas (UST) na nag resulta para siya ay hindi makapag laro sa naging laban ng ADMU at DLSU kung kaya’t kinulang ang Blue Eagles.


Ayon sa kanilang instruktor na si Sergio Veloso, maaring buong 𝘴𝘦𝘒𝘴𝘰𝘯 na hindi makapaglaro si Buena dahil naniniwala siya na mas importante ang lagay ng mga manlalaro.


Bukod din dito ay bago si Buena, dalawa sa Ateneo Blue Eagles ang hindi na rin nakapag laro, si JLO Delos Santos na may kaparehong kalagayan kay Buena ngunit sa kaliwa lamang, at si Zel Tsunashima na nabalian ng buto sa kanyang kaliwang 𝘴𝘩π˜ͺ𝘯 (𝘡π˜ͺ𝘣π˜ͺ𝘒 𝘒𝘡 𝘧π˜ͺ𝘣𝘢𝘭𝘒).


Kahit malaki ang epekto ng hindi maaring paglalaro ng ilang miyembro ay patuloy na pinapakita ng ADMU ang galing ng kanilang mga abilidad.


Ayon kay Ramil De Jesus, ang coach ng La Salle, ang pagkawala ng beteranong miyembro gaya ni Alyssa Valdez ang dahilan kung kaya’t ang tensyon ay bumaba.


“Sa ngayon kasi parang hindi ko nakikita ‘yon [competitive Ateneo-La Salle rivalry] kasi yung Ateneo parang walang go-to guy, ‘yon yung nakikita ko kasi that time si Alyssa, bigay mo lahat kay Alyssa ‘eh, and bubuhayin na ni Alyssa ‘yon,” saad ni De Jesus.


Ang pagkatalo ang naglagay sa Ateneo University sa ika-7 na pwesto sa women’s volleyball, sila ay may rekord na isang panalo pa lamang at limang talo.


SANGGUNIAN:


[1] Tuazon, E. (2025, February 23). Sobe Buena draws strength from Jlo Delos Santos, Zel Tsunashima in season debut. Tiebreaker Times. https://tiebreakertimes.com.ph/tbt/sobe-buena-draws-strength-from-jlo-delos-santos-zel-tsunashima-in-season-debut/328106#google_vignette


[2] Agcaoili, L. (2025, March 12). UAAP: Sobe Buena likely out for season, adds to Ateneo health woes. Inquirer. https://sports.inquirer.net/612501/uaap-sobe-buena-likely-out-for-season-adds-to-ateneo-health-woes


[3] Oximas, C. & Papa, C.T. (2025, March 12). Ateneo drops rivalry showdown against La Salle in four sets. The GUIDON. https://theguidon.com/2025/03/ateneo-drops-rivalry-showdown-against-la-salle-in-four-sets/


[4] Agcaoili, L. (2025, March 12). UAAP: Ateneo-La Salle rivalry not the same since Alyssa Valdez left–RDJ Inquirer. https://sports.inquirer.net/612497/uaap-ateneo-la-salle-rivalry-not-the-same-since-alyssa-valdez-left-rdj

No comments:

Post a Comment